Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duda sa bilangang VP

MAY mga nagdududa sa resulta ng isinagawang bilangan ng boto para sa vice president ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Hindi rin sila masisisi dahil sa loob nang ilang buwan hanggang sa election day ay totoong nanguna si Senator Bongbong Marcos sa mga survey sa mga tumatakbo para sa pangalawang pangulo.

Kinagabihan sa mismong araw ng halalan ay lamang pa siya ng isang milyong boto sa pinakamalapit niyang karibal na si Representative Leni Robredo.

Natulog lang ang mga mamamayan at kinabukasan, laking gulat nila nang malaman na lamang na pala si Robredo kay Marcos.

Para sa marami ay hindi ito madaling tanggapin, lalo na sa mga tagasuporta ni Marcos, dahil nalagpasan si Bongbong ng katunggali na madalas pang-apat sa mga vice presidential survey. Ang duda ng iba ay nagkaroon ng ‘milagro.’

Maging si Marcos ay hindi makapaniwala na nalamangan siya ni Robredo. Kinondena ng kanyang mga tagasuporta sa social media ang ginawang bilangan.

Noong Mayo 11 ay inakusahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago, running mate ni Bongbong, ang administrasyon ni President Noynoy Aquino na ito ang nasa likod nang biglaang pagtaas ng bilang ng mga boto ni Robredo.

Sa gabi ng araw ng halalan ay may dumating na kinatawan ng Smartmatic sa lugar ng bilangan ng PPCRV para magpasok ng bagong script sa transparency server.

May kaunting mali raw sa “ñ” at “?” sa pangalan ni Senator Serge Osmeña na kailangang ayusin ngunit hindi naapektohan ang mga boto.

Pero ang naturang pagpapalit ng script ay wala umanong pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec). Ang automated election ay pag-aari ng Comelec kaya kapalpakan ang ginawa ng Smartmatic na pagpapalit ng kahit anong bagay nang walang permiso mula sa kanila.

Alalahanin sana nila na maraming mata ang nakatutok sa isinagawang bilangan at anumang hindi inaasahang pangyayari ay puwedeng pag-ugatan ng pagdududa, lalo na’t dikitan ang laban.

May nagsabing bumaba ang lamang ni Marcos sa tuwing magkakaroon ng update nang 26 ulit mula nang ipasok ang bagong script sa transparency server.

Ayon naman sa iba sa social media ay may pagkakataon na ang mga boto ni Bongbong ay naipagpalit sa boto ni Robredo kaya lumamang ito. Ang totoong nanalo raw ay si Marcos.

Ang lumalabas pa lang naman ay unofficial result ng PPCRV at kung may mali sa bilangan ay maiwawasto pa ito kung magkakabilangan muli. Pasasaan ba at lalabas din ang katotohanan, kung patuloy natin tututukan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …