Wednesday , May 14 2025

5 patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

CAUAYAN CITY, Isabela –  Lima katao ang namatay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa national highway ng Burgos, Alicia, Isabela.

Magkaangkas sa isang motorsiklo ang dalawang biktimang sina Richard Toquero, 20, at Roy Allan Randicho, 31, kapwa residente ng Mabini, Alicia, Isabela.

Habang sakay nang nakabanggaan nilang motorsiklo sina Fredelino Ramos, 48, residente ng District 3, Cauayan City; Analyn Abuan, 36, residente ng San Fermin, Cauayan City, at isang hindi nakilalang lalaki.

Sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkasalungat na direksyon nang umagaw ng linya ang motorsiklo na minamaneho ni Toquero, dahilan nang pagsalpok sa kasalubong na motorsiklo.

Dahil sa lakas ng banggaan ay agad binawian nang buhay ang apat na lalaki habang si Abuan ay pumanaw sa ospital.

About Hataw News Team

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *