Sunday , December 22 2024

‘DU30’ decorative plate bawal – LTO

DAVAO CITY – Nanawagan ang Land Transportation Office (LTO) Region 11 sa supporters ni President-elect Rodrigo Duterte na ipinagbabawal ang paggamit ng decorative plates gaya ng “DU30 El Presidente.”

Ayon kay Eleanor Calderon, regional operations chief ng LTO, isa itong paglabag sa batas at maaaring pagmultahin ng P5,000, at kokompiskahin ang nasabing plaka at lisensiya ng driver.

Matatandaan, maraming kumita na mga negosyante dahil sa pagtitinda ng t-shirts, stickers, at decorative plates ni president elect Rody Duterte.

Napag-alaman din mula sa opisyal, nasa tatlong ‘violators’ ang kanilang nasampahan ng kaso dahil sa paglabag na kanilang nagawa.

Dagdag ni Calderon, mismong ang president-elect ay hindi papayag sa nasabing gawain.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *