Friday , November 15 2024

Cayetano, Pimentel pupulungin ni Digong

PUPULUNGIN ni President-elect Rodrigo Duterte ang kanyang dalawang malapit na kaalyado sa Senado upang balangkasin ang hakbang sa pagpili nang susunod na presidente ng Senado.

Kinompirma kahapon ni PDP-Laban president Sen. Koko Pimentel, magpupulong sila ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa Davao City upang makipag-usap kay Duterte.

Ang kanilang pagtitipon ay kasunod na rin ng isyu kung sino kina Pimentel at Cayetano ang magiging Senate president.

Ito ay dahil nakatitiyak nang magbabago ang mga alyansa sa Senado sa ilalim ni Senate President Frank Drilon bunsod nang nakatakdang pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang bigyang-daan ang bagong administrasyon.

Inamin ni Pimentel, ‘nakikiliti’ siya at “flattered” na ihanay ang pangalan bilang susunod na lider ng Senado.

Ayon sa kanya, kaya niya ito at maging si Cayetano.

Ngunit hindi aniya ito mahalaga sa ngayon basta ang lahat ng mga senador ay tiniyak na susuportahan daw sa loob ng anim na taon ang Duterte government.

Aniya, sisiguruhin nila na makatutulong sa bayan at magkakaroon nang pagbabago sa bansa.

Samantala, umiwas si Pimentel na talakayin ang isyu na alok kay Cayetano na maging bahagi ng gabinete bilang DFA o DOJ secretary pagkalipas ng isang taon.

Para kay Pimentel, mahaba pa ang kanyang panunungkulan na magtatapos sa taon 2019.

Bunsod nito, umugong ang ang isyu na baka sa unang taon ay ibigay muna kay Cayetano ang Senate leadership bilang pagkilala na rin na naging tandem siya ni Duterte, at pagkalipas nito ay si Pimentel na ang uupong Senate president.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *