Friday , November 15 2024

All for the win ang mga Calixto sa Pasay City

HINDI natinag ang mga Callixto sa Pasay City nitong nakaraang eleksiyon.

As usual muling inihalal ng Pasayeño si mayor Tony Calixto, ganoon din ang kanyang kapatid na si Congresswoman Emi Calixto-Rubiano.

Pasok rin ang kanyang anak na si Mark…at number 1 councilor pa! Oops, may bonus pa — waging vice mayor si Boyet del Rosario.

Nabitbit rin talaga ni Yorme Calixto itong si VM Boyet, mantakin ninyong talunin ang two-termer vice Mayor na si Marlon Pesebre?

Napakagandang regalo ‘yan para kay Mayor Calixto. Eleksiyon noong May 9, at birthday pa niya noong May 10. Sabi nga ‘e, iba talaga kapag pinagpapala, grand slam ang kanyang panalo.

Kahit na nga binato ng maraming isyu ‘e hindi naman makapagsisinungaling ang maraming accomplishments ng administrasyon ni Mayor Tony Calixto.

Last term na nga ito ni Mayor at sinuwerte pang manalo ang kanyang vice mayor na si Boyer del Rosario…

Very lucky indeed!

Sa kasalukuyan, nanawagan si Mayor Calixto sa mga Pasayeño na magkapit-bisig para sa isang makabuluhang pagbabago.

Lalo’t ang bagong halal na Pangulo ng bansa ay isang hands-on chief executive sa pagresolba ng mga nakaiiritang problema sa ating bansa.

Tiyak na handa si Mayor Calixto sa mga pagbabagong ‘yan kaya nananawagan siya sa Pasay City para sa isang tuloy-tuloy na pagbabago.

Again, congratulations, Team Calixto!

All roads to Davao City

Maraming sumuporta kay President-elect Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa kanyang kampanya para sa eleksiyon.

At hindi sila nabigo sa kanilang pagsuporta, mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng partial/unofficial counting, pumaimbulog nang husto ang boto ng mamamayan para kay Digong.

Umaasa ang mga mamamayan na ang lahat ng sumuporta kay President-elect Digong ay sumuporta nang malinis at walang hinihinging kapalit… Pero, ano itong nababalitaan natin?!

All roads to Davao City umano ang ilang kilalang sumuporta kay Digong.

Why? It’s payback time na ba?

May gapangan blues na para makakuha sila ng juicy position sa gobyerno?!

‘Yan na nga ang sinasabi natin, tunay na pagbabago ang hinahangad nila, ‘yun pala ‘e pagbabago yata para sa kanilang bulsa!?

Kaya hayun, kanya-kanyang pangarap na sila kung paano sila magiging IN sa administrasyon ni Digong.

Paalala lang sa mga oportunista, ingat-ingat kayo dahil mukhang maraming ‘mag-i-spray’ ng ‘Baygon’ sa paligid ni Digong para maging malinis at agad lumayo hanggang ‘malaglag’ ang mga ‘insektos.’

Dahil desidido umano ang TEAM DIGONG na walisin ang mga mahilig magprobetso.

Suportahan ta ka, Digong, para sa mga tunay na pagbabago!

Padayon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *