Monday , December 23 2024

Illegal drug user sa CAAP-OTS Tukuyin

Medyo mabigat ang akusasyon an naririnig natin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mayroon daw ilang kagawad ng Office for Transportation Securoty (OTS) ang sangkot sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang mga taga-OTS po ang inaakusahang pasimuno ng mga tanim-bala incidents sa airport na pinakahuling biktima ang mag-asawang Esteban at Salvacion Cortabista.

Kahapon, nakaalis na ang mag-asawa patungong Estados Unidos. Sinamahan sila ng kanilang mga anak ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta sa NAIA Terminal 2 at inihtid sa kanilang flight patungong Los Angeles.

Nitong Biyernes, naghain ng reklamo ang mag-asawa sa Pasay Prosecutor’s Office laban sa mga taong pinaniniwalaan nilang nasa likod ng tanim-bala modus at tangkang extortion kabilang na nga diyan ang taga-OTS.

Dapat na sigurong trabahuin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isyu na ‘yan lalo’t napapabalitang ang ilag sangkot diyan ay sangkot sa paggamit ng ilegal na droga.

Hindi lang ‘yang pagsusuot na white gloves kundi isalang din sa drug test.

Sa pamamagitan nito matutukoy na kung sino ang mga pasimuno ng tanim-bala modus operandi na ‘yan.

Nakatatakot kung may nakalulusot na drug user sa loob ng airport. Delikado ang seguridad ng mga pasahero ng airlines.

Paging CAAP!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *