Monday , December 23 2024

Bakit natalo si Mar Roxas

NAKAPAGTATAKA ba na natalo sa isang pambansang halalan ang manok ng ruling party?

Totoo po ‘yan, marami talaga ang nagtataka, kung bakit.

At lalong marami ang nagulat na nagna-number one ngayon ang kanyang bise presidente at mas malaking ‘di hamak ang boto sa kanya.

Kaya mas lalong nagiging kataka-taka ang pagkatalo ni Mar.

At nababahiran din ng duda ang pag-ungos ng kanyang VP.

Pero ang sabi naman ng mga nakakausap natin sa Manila International Airport Authority (MIAA), sa Bureau of Customs (BoC), sa Bureau of Quarantine (BQ), sa Bureau of Internatl Revenue (BIR) at sa Bureau of Immigration (BI), hindi raw talaga mananalo si Mar dahil walang bumotong government employees sa kanya, lalo sa mga ahensiyang nabanggit natin.

Sino ba naman ang boboto sa isang government official na walang ginawa kundi tanggalan ng benepisyo at incentives ang government employees?!

Hindi ba’t noong siya pa ang Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary  ‘e siya ang pasimuno ng pagpapatanggal ng overtime pay ng mga empleyado sa BoC, BQ, at BI na nakatalaga sa airport terminals at sa iba pang ports and subports?

Hindi lang ‘yan maging ang benefits, bonus, CNA bonus ng mga MIAA employess ay nawala?!

‘Yun mga customs officials na ibinartolina sa CPRO at kahit nakabalik na sa BOC ay nakatengga at nganga pa rin hanggang sa ngayon.

‘E sino ang boboto sa kanyang empleyado ng mga ahensiya na ‘yan kung maraming naprehuwisyo sa kanya?!

Baka akala ni Mar ‘e ilan lang ‘yan?!

 E ‘yung multiplying effect niyan? Pamilya, kaibigan at iba pang mga government employees na puwede nilang maimpluwensiyahan?!

Tsk tsk tsk…

Wala talagang boboto sa isang kandidato na walang malasakit sa government employees.

Ang mga nasa itaas lang ang masaya pero ang mga nasa ibaba dusa at hirap!

Kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit hindi nanalo si Mar sa mga ahensiyang ‘yan.

Sa mga nangyaring ‘yan, hindi natin alam kung magkakapuwang pa sa gobyerno si Mar.

Kunsabagay, weder-weder lang ‘yan…

‘Yan ay kung magpapatawing-tawing pa si President-elect Digong Duterte sa pagdadala ng tunay na pagbabago…

Kung magtatagumpay si Digong sa kanyang isinusulong na bagong sistema ng gobyerno masuwerte nang sa kangkungan pulutin ang kampo ni PNoy at Mar at hindi sa kalaboso.

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *