Monday , December 23 2024

General Tagoy Santiago ibalik sa PDEA!

NAKIKITA natin ang seryosong pagsusulong ni President-elect Digong Duterte ng makubuluhang pagbabago sa lipunan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng sistema ng ating pamahalaan.

Para sa sambayanan, ang unang-unang agenda ni President-elect Digong ‘e solusyonan ang malalang problema sa pagkalat ng illegal drugs.

Gaya po ng sinasabi natin, ang illegal drugs ay walang pinipili, mayaman o mahirap, edukado o mangmang, bata o matanda, babae o lalaki kahit LGBT pa, sikat o hindi popular ay kayang-kayang sirain g ilegal na droga.

Huwag na po tayong lumayo, sa datos ng Philippine National Police (PNP), malaking volume ng mga krimen sa bansa ngayon ay drug related kaya naniniwala po tayo na mula sa isang krimen ay maaari nang maging national security threat ang illegal na droga.

Mabagsik pa po ‘yan sa Tazmanian devil.

‘Yan ang tunay na lason sa ating lipunan!

Kaya nga hinangaan natin noon ang dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Undersecretary Dionisio “Tagoy” Santiago.

Kinatulong niya ang Intelligence Service Armed  Forces of the Philippines (ISAFP) para isulong ang maigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Kasama niya ang mga batang opisyal ng ISAFP noon kaya naman hindi nakapagtataka na malalaking sindikato ng ilegal na droga ang napadapa nila.

Ultimo malalaking Chinese syndicate ay napilayan nang husto hanggang maitaboy nila ang malalaking shabu laboratory.

At kahit tauhan ka pa niya kapag nagkamali kang makipagsabwatan sa mga drug lord tiyak, SWAK ka!

‘Yan ang tatak ng trabaho ni Tagoy.

Kaya sa palagay natin, kung maghahanap si President-elect Digong ng ilalagay niya sa PDEA, hindi masamang subukan niyang muli si ‘Tagoy’ Santiago.

Aprub kami d’yan, President Mayor Digong!

Style OPM ng Marsifor Management Services sa Cubao, Quezon city bulok na bulok na ‘yan!

Mukhang hindi nauubos at maraming reserbang “Oh Promise Me” as in OPM ang Marsifor Management Services na pag-aari umano ng isang Ret. Major Gen. Cesar Fortuno.

Ang Marsifor po ay isang manpower agency para sa pagkuha ng mga kasambahay.

Hanggang ngayon ay naghihinala pa rin ang marami na modus operandi ang sytle ng Marsifor.

Ilang linggo na ang nakararaan nang ireklamo sa atin na biglang nawala ang kasambahay nila mula sa Marsifor.

Malaki ang ginastos nila sa pagkuha ng kasambahay sa Marsifor pero kamukat-mukat nila ‘e bigla silang nilayasan?

Nang ireklamo nila sa Marsifor, ang sabi ‘e papalitan daw.

Pero awa ng pitong kulugo hanggang ngayon, kahit anino ng ipapalit na kasambahay ‘e wala pa rin.

Nang mag-imbestiga sila, kustombre na umano ng mga kasambahay na kinukuha sa nasabing agency ang umalis at pagkatapos ay hindi na bu-mabalik.

‘Yan ay pagkatapos magbayad ng employer sa agency ng tatlong buwan na advance na suweldo. ‘Yung iba nga apat na buwan pa ang kinukuha.

Ang siste, kapag umalis na ‘yung kasambahay, ni hindi mabigyan agad ng kapalit ng Marsifor Management Services.

Wattafak?!

‘E bakit pala kayo nagrerekomenda ng mga kasambahay na walang accountability kapag nagkaroon ng aberya?!

Attention ret. Major Gen. Cesar Fortuno, wala pa rin aksiyon ang manpower agency ninyo, wala ba kayong gagawing aksiyon diyan sa mga tao ninyo sa Marsifor?!

Ano pa ba ang hinihintay ninyo?

Dapat pala ‘e tanggalan na kayo ng lisensiya bilang manpower agency.

Aksiyonan n’yo na ‘yan, ret. Major Gen. Cesar Fortuno!

Pabor sa ROTC ni Digong

DEAR Sir: Ang mga pinapaboran kong mga pronouncement ni Pres. Digong ay pagbabalik sa College Curriculum, ang ROTC.

Ito ay napapanahon.

Sa pamamagitan nito, ang ating mga mag-aaral ay magkaroon ng basic training sa military. Magiging aware sila sa kalakaran ng pagsusundalo. Mahahasa sila sa paggamit ng baril at disiplinang militar. Maaari rin na mabuksan ang kanilang diwa sa pagiging makabayan at handang ialay ang buhay para ipagtanggol ang kapakanan ng ating bayan, na ngayon ay nanganganib sakupin ng bansang China ang ating mga hangganan.

Ang higit sa lahat ng kanyang pronouncement na talagang inaaasam ko ang pagdadagdag ng salary ng mga sundalo, pulis at mga guro. Ang aking asawa na sundalo ay may take home pay na humigit-kumulang P10,000.00. Hindi po ito kasya sa amin na may limang anak. Ang bunso ay kasalukuyang iginagatas pa namin.   Sa sobra pong mahal ng gatas na pambata ay halos doon na nabuhos ang kanyang sahod. Ibawas pa rito ang upa sa bahay, ang bayad sa koryente at tubig at ang ginagastos sa pagkain. Wala pa rito ang pambili ng gamot. Kaya kung magkakasakit ang isa sa pamilya namin ay maglo-loan ang Mister ko. Kaya ayun hindi na kami makaahon-ahon sa pangungutang. Kaya isang malaking biyaya sa amin kung tutuparin ni Pangulong Digong ang kanyang pangako na kami ay ma-increase-san ng sahod sa lalong madaling panahon.

MILAGROSA A. VENTURA

St. Rose Homes, Quezon City.

[email protected]

10 video karera ng photog kinompiska!

Fyi Sir Jerry, nakumpiska 10 VK makina na may tatak na RR dto sa kalye Romualdez Street Tondo, Maynila Brgy 100 ni SPO1 Alcazar ng smokey mountain PCP. Dami kasi reklamo ng mga residente dun. Agad na sinilaban para hndi na magamit ulit demonyong makina. Pero malakas ang tongpats na photog sa MPD at siniraan pa mga humuli sa MPD top official. Ganyan ba trabaho media sa MPD sir? +639194077 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *