Friday , November 15 2024

Robin Padilla nagreklamo sa NBI (Napikon sa basher)

PERSONAL na dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang aktor na si Robin Padilla para ireklamo ang kanyang basher na nag-post sa twitter nang sinasabing kamay niya na nagpapakita na siya ay bumoto sa halalan at pinakuhaan ng retrato ang kanyang balota.

Dakong 2 p.m. nang magtungo si Padilla sa NBI-Anti Cyber Crime Division kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rudolf Jurado, para ireklamo ng kasong ‘online defamation and use of misleading statement’ ang kanyang basher na nakatago sa user name na Krizzy@krizzy_kalerqui.

Sa naka-post na larawan na sinasabing kamay ni Padilla ay may nakalagay na komentong “This is a clear violation of election law! Throw him in jail as well. No one is above the Law.”

Binigyang-linaw ng abogado ni Padilla, hindi rehistradong botante ang aktor dahil sa komplikasyong dulot ng kanyang  nakaraang ‘conviction.’

Hindi rin aniya nakakuha ng official ballot o kahit pumunta sa ano mang presinto si Padilla.

Ginawa aniya ng kanyang basher ang tweet nang walang kaukulang research na ginawa.

Hiniling ni Padilla sa NBI na matanggalan ng maskara at malaman ang tunay na pagkakilanlan ng kanyang basher para pormal na masampahan ng kaso.

Nagbabala rin si Padilla sa kanyang mga basher na nire-review na niya ang lahat ng mga walang basehan at kasinungalingan komento sa kanyang twitter para sa napipintong pagsasampa ng reklamo sa NBI.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *