Friday , November 22 2024

Nationwide liquor ban with curfew hour vs minors isulong na ‘yan

 

ALAM nating this is a local government policy.

Kumbaga, ang liquor ban ay magiging successful lamang kung makikiisa ang local government sa pagpapatupad nito.

Mukhang may ibang formula si presumptive president, Mayor Digong Duterte kung paano ito ipatutupad.

Alam nating mayroong mga magtatawa sa ginagawa niya dahil he’s still acting like a mayor not a president, pero mukhang dahil doon kung bakit siya ibinoto ng sabi nga ‘e “rich and educated.”

Hindi problema ng rich & educated ang gutom at kahirapan, ang problema nila ay kung paano magiging secure ang ginagawa nilang pagsisikhay para umunlad ang kanilang buhay.

‘Yun bang tipong, hindi kayang garantiyahan ng kanilang edukasyon at kayamanan ang seguridad nila.

‘Yun bang hindi na sila pinangingilagan o inirerespeto kundi nagiging target na para biktimahin.

Kaya nang magsalita si Mayor Digong na papawiin niya ang kriminalidad, droga at korupsiyon, nagdesisyon ang rich & educated sector na siya ang ibotong presidente.

Anyway, pabor sa mga magulang ito.

Lalo na kung mayroon silang mga anak na menor de edad pero pasaway. Pabor sa mga magulang pero tiyak na aangal ang mga kabataan.

Lalong aangal ang mga business establishment (gimik bars) na nasa ganitong linya.

Alam n’yo naman sa mga bar/resto, ang ala-una ng madaling araw ay tila umpisa pa lang ng datingan ng mga parokyano.

Kaya kung ipatutupad ang 1am liquor ban tiyak mag-iiyakan ang bar/resto owners.

Tingnan natin kung ano ang magiging best formula ni Mayor Digong sa mga hindi susunod sa plano niyang liquor ban at 1 a.m.

Changes pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *