Friday , November 15 2024

Political prisoners hiniling palayain (CPP todo-suporta kay Digong)

NAGPAHAYAG ng suporta ang Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon sa incoming administration ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa Facebook post, sinabi ni National Democratic From chief political consultant Jose Maria Sison, si Duterte ay mula sa kilusan, at hinikayat siyang palayain ang lahat ng political prisoners, pabilisin ang peace negotiations at tugunan ang ugat ng civil war.

“The revolutionary movement of the people led by the communist party of the Philippines supports Duterte’s determination to fight corruption and crime and celebrates his promise to declare a ceasefire with the armed revolutionary movement and be the first president of the Left in the history of the Philippines,” pahayag ni Sison.

“In In this regard, the CCP has urged him to release hundreds of political prisoners, speed up the peace negotiations and address the roots of the civil war through the adoption of economic, social and political reforms,” aniya.

Ayon kay Sison, si Duterte ay estudyante niya sa kursong political science sa Lyceum of the Philippines noong 1960s.

Idinagdag niyang si Duterte ay isang aktibista, miyembro ng Kabataang Makabayan at ng Bagong Alyansang Makabayan.

Ang KM at Bayan ay kapwa naging mahigpit na kalaban ng Marcos dictatorship.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *