Friday , November 15 2024

Nationwide curfew, liquor ban ni Duterte nilinaw

INILINAW ng tagapagsalita ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ilang detalye tungkol sa pinaplanong nationwide curfew at liquor ban ng susunod na administrasyon.

Ipinaliwanag ni Peter Laviña kung bakit iniisip ni Duterte na ipatupad ang curfew at liquor ban sa buong bansa, na ipinatutupad niya ngayon sa Davao city.

“The curfew is principally for minors, unescorted minors, past 10 p.m. It does not include minors with their parents or guardians. This is to make sure that our children are in their homes, sleeping already, preparing for the next day in school,” saad ni Laviña.

Ayon kay Laviña, ang liquor ban sa Davao City ay ipinatutupad lamang sa mga establisimyento sa mga pampublikong lugar simula 1:00 a.m.

“The reason he has this liquor ban because we have to work the next day. Nothing to do with denying us our freedoms. When you go home, you can drink to your heart’s content in the privacy of your homes,” dagdag niya.

Ayon kay Laviña, maaaring magpalabas si Duterte ng executive order para maipatupad ang naturang plano ngunit mas makabubuti kung may maipapasang batas para rito.

Bukod sa curfew at liquor ban, ipinatupad din ni Duterte sa Davao City ang karaoke ban sa dis-oras ng gabi at no smoking sa mga pampublikong lugar.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *