Friday , November 15 2024

Nang maging ‘sisiw’ ang nagbabalik na agila

MINSAN talaga, ‘yung mga sobrang segurista, sila pa ‘yung nabobokya.

Kumbaga naghangad ng kagitna, sansalop ang nawala!

Ganyang-ganyan ang nangyari sa mag-amang ER Ejercito at Jorge na parehong tumakbong gobernador sa Laguna.

Naniguro kasi ang mag-tatay.

Pareho kasing naghain ng kandidatura ang mag-amang ER at Jorge.

Ang rason kung bakit naghain ng kandidatura ang mag-ama, baka raw i-disqualify si ER dahil sinibak nga sa puwesto nang mapatunayan ng Commission on Elections (Comelec) na gumastos siya nang labis noong nakaraang May 2013 elections.

Naghain si ER ng mosyon para sa temporary restraining order (TRO) pero hindi siya kinatigan ng Supreme Court.

Pagkasibak kay ER, agad na ipinalit ang vice governor na Ramil Hernandez noong Mayo 27.

Pero nag-drama pa si ER at nagpasundo pa sa kanyang tiyuhin na si Erap, bago bumaba sa puwesto.

At ‘yun nga, may pahabol pang “hintayin daw ang pagbabalik ng Agi-la.”

Ang siste, nang magpasya ang Tatay na bawiin ang kandidatura ng anak para gobernador, huli na, dahil naimprenta na ang mga balota.

‘Yun, nahati ang boto ng mag-ama, at pareho silang inilampaso ng nagwaging si incumbent Laguna governor Ramil Hernandez.

Humirit pa ‘yung nagbabalik na agila (kuno), ipepetisyon daw sa Comelec na pagsamahin ang boto nilang mag-ama kontra Hernandez…

Wattafak!?

‘Yun nga lang, kahit pagsamahin pa ang boto ng mag-amang Ejercito, OLATSING pa rin kay Gov. Ramil Hernandez.

In short, ganyan po ang nangyari sa nagbabalik na Agila kuno…naging sisiyap-siyap na sisiw.

Araykupo!

Ano ba talaga Madam Leni?!

Kung susundan ang image packaging na ginawa ng kanyang mga PR consultant kay Congw. Leni Robredo na mahinhin, disente at madasaling biyuda, mukhang kapani-paniwala nga na minsan niyang sinabi na kung magiging vice president siya ni presumptive president Digong Duterte, agad siyang magre-resign.

‘Yun nga siguro ay nang maging kontrobersiyal ang pagmumura at rape joke ni Mayor Digong.

Pero kamakailan, itinatanggi na ito ni Madam Leni.

Hindi raw niya sinabi na: “Duterte and I are the exact opposites and I don’t see working with him even remotely possible.”

Sabi pa umano ni Madam Leni: “I accepted the Liberal Party’s vice presidential nomination because I was assured by President Aquino that Mar Roxas and myself will win as a tandem — as president and vice president, respectively.

“That it would be difficult to work with presidential candidate Rodrigo Duterte, if he should win…”

Pero kumakalat ngayon sa internet ang video clip nang sabihin niya ang mga katagang ‘yan.

Itanggi rin kaya ni Madam Lenin ang naka-binbing kaso laban sa kanya na siya ay tumanggap ng donasyon para sa campaign fund mula sa mga dayuhan?

Tinulugan lang daw ng Comelec ang tatlong-taon na dalawang reklamo laban sa Camarines Sur representative na tumanggap ng donasyon mula 10 foreign contributors noong 2013 congressional race.

Ano ngayon ang gagawin ng Comelec sa paglabag na ‘yan laban sa Omnibus Election Code?

Naghain ng reklamo laban kay Madam Leni ang mag-asawang former Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte at ang misis na si Nelly.

Kung binigyan ng merito ng Comelec ang da-lawang paglabag sa Omnibus Election Code, malamang disqualified sa pagtakbong bise presidente si Robredo ngayong 2016 elections.

Kabilang umano sa nagbigay at tinanggap ni-yang campaign donations mula sa pitong American nationals, na sina Loida Nicolas Lewis, at tatlong pang American entities.

Ang iba pa ay sina Edward Seidel, natural-born American married to a Filipina; Lorna, na naka-acquire ng US citizenship; lawyer Rodel Rodis, ang first Filipino-American na nanalo sa isang elective post sa United States; Robert Federigan; Ro-bert Heiberger; Rainier Asprer; at Richard Sublett. Ganoon din ang The Unlimited Agency, Inc., Bicol USA of the Midwest, at Fundrazr.

Ano kaya ang  masasabi ni Madam Leni di-yan?!

Paki-explain!

BI Intel Chief wala pang civil service eligibility?!

HINDI raw matapos-tapos ang issue tungkol sa mga newly appointed Immigration Officers and other officials diyan sa Bureau of Immigration(BI).

May mga nagtatanong kung ano raw ba ang status ng appointment ng bagong palit na BI Intelligence Chief o OIC na si ROMMEL DE LEON.

Gaano katotoo ang balita na tila hindi raw qualified ang mama dahil wala pa raw Civil Service eligibility?

Totoo rin ba na kukuha pa lang ng examination ang mama sa CSC?

Wattafak?!

Alam naman natin kung gaano kasensitibo ang puwesto ng isang BI Intelligence Chief.

Baka naman pati sa seminars and trainings regarding intelligence matters, waley pa si kuya Rommel?

Sinasabing saradong bata siya ng isang bossing sa Malacañang. Hindi ba napakahigpit ng Palasyo pagdating sa qualifications at appointments??

So bakit nakalusot kay ES Paquito Ochoa?

Ganoon din daw ang isang James Castro na nakakuha ng Immigration Officer III; Medardo Sangil, Immigration Officer III; Domingo Malacat, Jr., Immigration Officer II; kasama rin ang isang Confidential Agent na si Atty. Manolito Apostol, Jr.

Nakalulula ang mga nasungkit nilang items sa daang matuwad ‘ehek’ matuwid?!

Tsk tsk tsk!

Ang mga nabanggit ay meron na raw lumabas na mga Personnel Orders as per P.O. RAGE 2016-587 dated 15 April 2016.

Pero lahat daw ay wala pang existing appointments galing CSC dahil na rin sa inihaing protesta ng BUKLOD ng mga Manggagawa ng BI?

Diyan din natin makikita kung may silbi ang pagiging presidente ng unyon ng BI na si Atty. Sadsad ‘este’ Sadiasa.

Masyadong nakade-demoralize nga naman ang ganitong sistema. Wala naman masama kung pasok ang kanilang qualifications. Pero alam naman ng lahat na may sariling sistema na sinusunod ang hiring and promotion sa Bureau.

At sana naman doon lang tayo sa tamang proseso sa daang matuwid!

Reaction kay Joma Sison

DEAR Sir: Sumulat na si Joma Sison, founder ng Communist Party of the Philippines.

Ayon sa kanya ay palalayain ni Pangulong Rody Duterte ang political prisoners.

Lahat ng political prisoners, halos lahat sila ay pawang may warrant of arrest kaya sila nakakulong.  Sila ay nahatulang gumawa ng krimen na labag sa batas.  Tulad ng murder, arson, ambush at iba pa.  Huwag naman sanang pahintulutan ni Pangulong Duterte na makalaya sila dahil nilabag  nila ang  batas.

Hayaan munang makapagsilbi sila batay sa ipinataw na parusa na nakalaan sa kanila. Nang sa ganoon naman ay merong hustisya para sa mga naging biktima nila.

Ilang sundalo at pulis ang namatay at nasugatan dahil sa paghuli sa kanila. Tapos basta na lamang pakakawalan? Nasaan ang hustisya niyan? Yes move on tayo pero kung kailangan ang ceasefire, why not.  Basta huwag lang papalabasin ang mga nahuling political detainees. Pagbayaran muna nila ang kanilang mga utang sa kanilang mga biktima. Hustisya ang isa sa factors nang ikauunlad ng bayan.

KEVIN A. GONZALES Christ the King Village, Valenzuela City

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *