Friday , November 15 2024

Boto ibinenta magdusa ka

KATATAPOS lang mga ‘igan ng pag-arangkada ng lahat ng kandidato sa eleksyon 2016. Pumailanlang ang mga pangalan ng mga kandidatong isinisigaw ng taong bayan! Pero teka mga ‘igan, tunay nga kayang sila ang nakatatak sa puso, na siyang isinisigaw ng bayan? Nagkaroon nga ba ng malinis at maayos na halalan ang bansa?

Naging ugali na ng mga Filipino ang ganitong pananaw, na kapag nanalo…nandaya, kapag natalo…dinaya! Totoo man ito o hindi ay totoo pa rin he he he…Pero mga ‘igan, sadyang may ilang lugar sa bansa na nanalo ang kandidato dahil totoong nandaya, kung kaya’t tunay namang dinaya ang kalabang natalo…o ‘di ba?

Sa ibang paniniwalang may katotohanan, may mga nanalong politiko sa malinis na pamamaraan at may mga nanalo rin namang politiko dahil naman sa maruming pamamaraan, sa totoo lang ito mga ‘igan! At isa nga sa maruming pamamaraang ito ang talamak na vote buying tuwing may eleksiyon. Patago mo man itong gawin… may Pipit pa ring sadyang malupit, na hindi lulusot ang gusot mong inilulusot…he he he…

Bakit nga ba patok ang vote buying sa ibang tao? Masakit mang isipin, ngunit hindi rin masisi ang mga pobreng kababayan, na ‘ika nga nila’y kapit na sa patalim sa hirap ng buhay!

Bagama’t alam nilang ibinenta nila ang kanilang boto (sa local election) tatlong taon nila itong pagdurusahan at dadalhin ng kanilang konsensya. Pahirap din sa kanila ang maling Gawain. Subalit anong magagawa, sa kumakalam na tiyan…

Labag ang vote buying, mga ‘igan sa taong bayan, ginamit ang kanilang karapatang bumoto sa tamang pamamaraan, na hindi nagpasilaw sa ningning ng salapi ng mga kandidatong totoong mapagmahal sa bayan na handang gumastos o magmudmod ng salapi, mapaglingkuran lamang ang kanyang nasasakupan!

Ganon? He he he…gets n’yo?

Sa kabila ng tinatamasa nating kalayaan mga ‘igan, marami pa rin ang lumalabag sa batas.

Ang eleksiyon, na dapat ay sumasagisag ng kalayaan ng sambayanang Filipino, kaguluhan ang ipinalalasap sa tao. At habang tumatagal, paparami nang paparami ang madugong pangyayari at tuluyan nang nagkawatak–watak ang sambayanan! Kailan matutuldukan ang ganitong karahasan mga ‘igan? Ito na ba ang tamang panahon? Ang panahon ng pagkakaisa at kapayapaan ng bansa sa pangunguna ng mga bagong halal na pinuno ng bansa?

Sa mga bagong halal ng bayan mga ‘igan, sa pangunguna ni Rodrigo “Digong” Duterte, ang pagsasakatuparan ng mga pangakong binitiwan ang inaasahan ng lahat!

Mga pangakong dapat na makapagpapabago at tunay na nakapag-aahon sa kahirapan partikular ng maliliit nating mga mamamayan.

Congratulations sa lahat ng nagwagi sa eleksiyon 2016, nandaya man kayo o hindi, konsensya n’yo na lang ‘yon!

Ang mahalaga, ang kapakinabangan ng nakararami ang dapat na isaisip at hindi ang pansariling interes.

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *