Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ugnayan nina Jen at Dennis, walang label

WALANG mapiga kay Jennylyn Mercado para umaming nagkabalikan na talaga sila ni Dennis Trillo. Kahit sabihin pa namin na kampanteng sinagot ni Dennis na hindi  magseselos si Jen sa bagong Kapuso sexy actress  at bagong ‘Papaya Queen’ na si Kim Domingo na kasama niya sa serye.

“Ano ba ‘yan? Napakadumi… napakadumi raw, oh! ..ha!ha!ha! hindi,,” reaksiyon ni Jen

“Wala, magkaibigan lang kami,” mariin niyang pahayag na natatawa rin dahil ayaw naming paniwalaan.

Agree rin si Jen sa sinabi ni Dennis na walang label kung anumang mayroon silang dalawa.

“Oo, ayoko, eh. Ayoko lang. Hindi naman kailangan, eh….wala, ayoko lang,” na-master na niyang pahayag.

“Ayoko ko pa kasi, hindi pa  ako handa,” bulalas pa niya.

So, ano talaga mayroon kayo?

“Wala.. wala kami,” pakli niya sabay tawa.

According kay Dennis  exclusively dating  sila?

“Hindi,” mabilis niyang pagdi-deny na tumatawa.

Pero hindi rin daw siya nakikipag-date sa iba dahil wala siyang oras.

Sobrang bihira raw na nagkakasama sila ni Dennis.

Pero sabi ni Dennis mas matured na siya ngayon kompara noong five years ago pero hindi pa rin ready?

“Eh, di sige!,” sey lang ni Jen.

Hindi ba niya nararamdaman ‘yun?

“Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam… Sino ba ‘yun?,” pag-iwas pa niya sabay tawa.

“Wala namang nangyayari. Puro trabaho pa,” sambit pa ni Jen.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …