Monday , December 23 2024

Sawimpalad si Mar Roxas

NALULUNGKOT tayo sa kapalaran ni dating Interior & Local Government Secretary Mar Roxas.

Sumabak na bise presidente noong 2010 elections, olat.

Naghintay sa loob ng anim na taon para tumakbong presidente — base sa kasunduan nila ni PNoy — hayan, olat na naman.

Marami tuloy ang nagtatanong sino ba talaga ang malas sa buhay ni Mar?!

Mukhang wrong decision and always at the wrong time si Mar.

Pero marami rin kasi ang nagsasabi, kung nagtambal sina Mar at Sen. Grace Poe, baka bumandera ang Liberal Party.

Sayang…

Tapos na ng eleksiyon, wala nang sisihan dahil sabi nga, laging nasa huli ang pagsisisi.

Anyway, bata pa naman si Mar. Puwede pang mag-Senador ulit saka paghandaan ang muling pagtakbong presidente.

Pero dapat itakwil na niya ang lumang sistema ng pamomolitika niya. Magpakita siya nang bago.

‘Yung seryoso at sinsero hindi drawing.

Marami siguro siyang natutuhan sa dalawang kampanyang pinasok niya at sa karanasan ng ibang kandidato.

At kumbaga sa isang artista na dating pa-tweetums ang arrive dapat na rin niyang i-reinvent ang kanyang sarili — kailangan na niyang maging bold and daring kumbaga.

At pag nagkagayon, baka sakali, baka sakaling bumalik ang mga Roxas sa Malacañang.

Congratulations for another term Manila Elected Officials

BATIIN muna natin ang mga nanaig na halal na opisyal sa Maynila…

As usual, Joseph Estrada, on his second term as Mayor and Honey Lacuna, vice mayor.

Nang mandaya ‘este’ manalo ulit si Erap, bigla nating naalala ang payo ng isang doktor sa kanyang pasyente na may terminal illness.

Ang sabi ng doctor sa kanyang pasyente, “Huwag mong masyadong damdamin ang iyong nararamdaman. Malay mo, habang nasa proseso ka ng pagpapagaling, gusto rin ng Diyos na mapaglimian mo ang iyong mga pagkukulang na eventually ay mapagtuunan mo ng pansin para unti-unting i-rectify.”

Parang ganoon lang ‘yang pagkapanalo ni Erap. Baka binibigyan siya ng pagkakaton ng Diyos para ituwid ang kanyang mga pagkukulang.

Isa na riyan ‘yung pagsasauli ng pondo ng bayan bilang bahagi ng paggawad sa kanya ng pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo matapos ma-convict sa kasong Plunder.

Paglilinis ng mga kotongero at illegal terminal sa Maynila lalo na ‘yung nasa Lawton na ayaw na ayaw ni incoming President Digong Duterte.

Tunay na paglilinis sa buong Maynila, hindi ‘yung basta kumita lang ang kontraktor ng basura.

At higit sa lahat ang pagbabalik ng mga libreng serbisyong medikal sa mga ospital at libreng gamot.

Libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan mula pre-school hanggang kolehiyo.

Libreng maayos at disenteng libingan para sa mga mga kapos-palad na Manileño.

Puwede rin siguro niyang ipatupad ang plataporma ni Mayor Fred Lim na on-site development sa pamamagitan ng tunay na pabahay sa lungsod para sa mga tunay na maralita at indigent.

Kumbaga, kung ayaw talagang makatkat sa puwesto, ni Mayor Erap, ‘e i-duplicate o higitan naman niya ang magagandang programa ni Mayor Fred Lim.

‘Yan siguro ang isa sa pinakamagandang dahilan ng Diyos kung bakit sa kabila ng pagtataka ng marami ay nanaig pa rin si Erap ng 3,000 boto laban kay Mayor Fred Lim.

Sabi nga, laging may rason ang Diyos.

Ngayon, nasa kamay na ni Erap kung gusto niya talagang makabawi sa mga Manileño.

Ipatupad niya ang tunay, tapat at maka-buluhang  serbisyo publiko.

‘Yun lang po!

Abortion pills ni Alyas Danny Liit sa Quiapo

SIR reklamo lang po. Sa malala na bentahan ng Cytotec sa paligid ng simbahan ng Quiapo na ang may hawak ay si alias Danny Liit. Kung pumorma akala mo pulis ho. +639186216 – – – –

Allowance ng pulis kinupit na naman ng 2 opisyal!?

SIR JERRY, isang daang kagawad ng Manila Police District ang hindi nakatanggap ng allowance mula kay Erap nang kupitin ng isang opisyal ng MPD. Masayang tumanggap ng tig-P10,000 allowance ang 3,000 pulis ng Manila Police District sa City Treasurer ng City Hall ng Maynila pero malungkot ang halos 100 pulis na nag-i-schooling para sa karagdagan nilang ranggo dahil wala silang nakuhang allowance. Nagulat pa nga ho ang City Treasurer ng City Hall ng Maynila nang malaman na may 100 MPD police pa ang hndi nakakuha ng allowance. Kaya pangako naman ng City Treasurer na sa susunod ay ‘di na nila ipapamahala sa dalawang opisyal ng MPD ang pagbibigay ng allowance lalo na sa mga pulis na nasa training schooling. Sir, sana malaman ni Mayor Erap ang gawain na ito ng dalawang opisyal namin na lagi na lang kinukupit ang bigay na allowance sa amin.

– police_eye&yahoo.com

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *