Friday , November 15 2024

Mayor Lim dinumog ng botante

ANG nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim ang kauna-unahang mayoral candidate na bumoto kahapon, nagtungo siya sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila dakong 8 a.m.

Dinumog si Lim ng mga botante na nagsipagkamay, yumakap, nagsisigaw ng kanyang pangalan at kumuha ng retrato na kasama siya, gamit ang kanilang mga cellphone, bago at matapos niyang bumoto.

Ilang sandali lang makaraan umalis sa nasabing paaralan, nakarating kay Lim na nahinto ang botohan sa nasabing paaralan dahil nagka-diperensiya ang ilang voting counting machines, dahilan upang kuwestiyonin niya kung ano ang nangyari kasabay nang mahigpit na panawagan  sa Commmision on Election na agad itong aksiyonan upang malayang magawa ng mga residente ang kanilang karapatang bumoto.

Ang nasabing apektadong presinto ay kilalang balwarte ni Lim.

Matatandaan, noong 2013 elections, pinahinto rin ang botohan sa nasabing paaralan ng 14 armadong kalalakihan. Sinasabing mga miyembro ng Moro National Liberation Front ang dumating at ginulo ang mga botante na sa takot ay umuwi na lamang at ‘di na bumoto pa.

Ang iba pang natanggap na ulat ng kampo ni Lim ukol sa ilang anomalyang naganap kahapon ay ang sumusunod: bilihan ng boto sa Manila North Cemetery na ang mga botante ay binibigyan ng pera kapalit ng paglalagay ng indelible ink sa kanilang kamay para ‘di na makaboto; at problema sa voting counting machines sa Baseco kaya’t nahinto rin ang botohan doon.

Sa Albert Elementary School sa  Dapitan, partikular sa Brgy. 491, ilang botante ang nagreklamo nang makitang blanko ang kanilang voting receipts gayong si Lim ang ibinoto nila.

Sa kaso ng mga botante sa precincts 267c at 267b sa Tondo High School, marami ang nagreklamo nang ipinaiiwan na lang sa kanila ang kanilang voting forms dahil sa problema ng pag-isyu ng voting receipts.

Nagreklamo ang mga botante sa MLQ Elementary School sa Tondo, sa ilalim ng Brgy. 70 dahil sa kawalan ng voting receipts na bunga ng pagkasira ng ilang PCOS  machines doon.

Sa Doña Aurora Quezon Elementary School sa Malate, nahinto ang botohan at sinabihan ang mga botante na bumalik na lang ng 4 p.m.

About Leonard Basilio

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *