Sunday , December 22 2024

Karahasan sa panahon ng kampanya

ANG pangangampanya ng mga kandidatong tumatakbo para sa pambansa at lokal na posisyon ay sabay nagwakas noong Sabado.

Ito ay upang mabigyan sila ng pagkakataon na makapagpahinga muna bago sumabak sa halalan kahapon.

Alalahanin na ang mga tumatakbo para sa national posts ay binuno ang pangangampanya sa loob ng 90 araw mula Pebrero 9 samantalang 45 araw naman ang kandidatong panglokal mula Marso 26.

Upang mapigilan ang karahasan, mahigpit din umanong nagpatupad ng election gun ban ang kapulisan na nagsimula noong Enero 10.

Bilang patunay, nagpahayag ang PNP na noong Mayo 6 ay umabot na sa 4,023 tao ang kanilang naaresto sa buong bansa sa paglabag ng gun ban. Ang 30 sa mga ito ay pulis at ang 18 ay sundalo. May 3,268 baril na ang kanilang nakukumpisa o nababawi.

Pero sa kabila ng paghihigpit ng mga pulis ay patuloy na namayagpag ang karahasan sa huling araw ng kampanya, at hindi nila ito nagawang pigilan.

Tinambangan ng hindi kilalang mga lalaki sa Jones, Isabela ang convoy ng kandidato para alkalde na si Melanie Uy na ikinasawi ni barangay chairman Rhoda  Anunciacion, Lydia Zapata at ng isang miyembro ng security force ng kandidata. Rumesponde ang mga kawal sa kaganapan at nakipagputukan sa hindi matiyak na bilang ng mga lalaking may baril.

Hindi naman bababa sa 10 armadong lalaki ang pumaslang sa isang independent candidate para alkalde sa Lantapan, Bukidnon. Pinatay ito sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Barangay Balila.

Masuwerte pa ring maituturing ang isang pamilya na hindi nasaktan o nasugatan matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki ang bahay ng isang opisyal sa Barangay Sampoli B sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Mayroon din nanalakay na gamit ang granada sa lugar na inilaan para sa mga pulis at militar sa paligid ng Simuay Elementary School sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nauna rito ay nagkaroon ng serye ng mga pagsabog sa ilang paaralan sa munisipyo ng Sultan Kudarat at Sultan Mastura sa Maguindanao.

Batid natin na ginagawa ng kapulisan ang kanilang makakaya upang mapigilan ang karahasan. Pero maliwanag na hindi ito sapat at hindi pa rin kontrolado ng gobyerno ang seguridad sa mga lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Sa katunayan, sa kabila ng malaking bilang ng mga nahuli at sandamukal na baril na nakumpiska ay hindi masagot ng opisyal ng PNP kung ilang insidente ng  karahasan na may kaugnayan sa halalan ang naganap mula nang ipatupad nila ang gun ban.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *