Monday , December 23 2024

Massive cheating/vote buying bantayan – Bongbong

MASYADO tayong nadedesmaya sa ginagawa ng administrasyon para siguruhin lang ang panalo ng mga manok nilang si Mar Roxas at Leni Robredo.

Ang sabi ni Madam Leni, hindi umano gumagamit ng maruming taktika ang kampo nila para upakan ang mga katunggali nila sa eleksiyon.

Wala tayong makitang katotohanan sa sinasabi niyang ito, dahil sa sa simula’t simula nanggaling sa kanila kung paano upakan at ilugmok si vice presidential candidate, Senator Bongbong Marcos.

Isang pruweba riyan, ang EDSA 30th celebration. Ayon mismo kay Undersecretary Manuel Quezon III ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO), ang budget na inilaan dito ay P35 milyones.

Ang pinaka-highlight nito, ang experiential museum para sa millennial generation para maunawaan daw nila kung ano ang demokrasya at kung ano ang naganap noong panahon na ang presidente ay tatay ni Senator Bongbong.

Ang siste, nag-flop at hindi nag-click ang experiential  museum.

Arayku! Saan napunta ang P35 milyones?!

Pruweba po ‘yan at nangyari ‘yan.

Kaya hindi po tayo naniniwala sa patuloy na pagtanggi ng kampong Mar-Leni na hindi sila mandaraya.

Hindi ba’t ginagamit nila ang pagre-release ng 4Ps sa panahon na mayroong sorties sa mga probinsiya si Senator Bongbong?!

Hindi lang 4Ps, pati cash for work ay isinasabay din sa pagre-release sa mga lugar na mayroong nakatakdang sorties si Bongbong.

Hindi ba’t sukdulang pagkadesperado ‘yang mga hakbang na ‘yan?!

Pondo para sa mahihirap na Pinoy, ginagamit ng admin bets para ipangkampanya?!

Hindi ba’t klarong panggigisa ‘yan sa sariling mantika?!

Kahiya-hiya! Walang kadeli-delicadeza tapos sasabihin mga disente sila?!

Hindi rin daw totoo ang sinasabi ni Sen. Bongbong na Plan B ng Malacañang na by hook or by crook ay kailangan masungkit nila ang presidency.

Papayag na manalo si Digong Duterte pero ang VP si Leni. At majority ng Kongreso ay titiyakin rin nilang mga tao nila.

Pagkatapos manalo, i-impeach si Digong at presto, presidente si Leni.

Kaya naman pala mayroong LP bets na nagpapaulan umano ng pinakamababa ay P5,000 para sa Barangay Captains para ipanalo sila sa barangay, at nangangako ng P3M hanggang P5M sa mga mayor para tiyakin ang boto nila.

‘E sino lang ba ang puwedeng gumawa niyan? Hindi ba’t administrasyon lang?!

Ganoon din ang mind-conditioning na pa-survey.

S’yempre kung nakakondisyon ang isip ng tao na nangunguna sa survey si Leni, napakasuwabe na nilang mailulusot ang daya para sa kanyang panalo.

Kaya mga suki lalo sa lahat ng mga botante, bago o luma man ang ginagamit na taktika sa pandaraya ng kampong Mar-Leni, pakiusap lang, BANTAYAN po natin ang ating boto.

Tandaan po natin ang sinasabi ni Senator Bongbong: “Tingnan n’yo ‘yung resibo. Pag me problema ireklamo ninyo sa Board of Election Inspectors, sa NAMFREL (National Movement for Free Elections), sa PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting), o kaya sa amin at magpapadala kami ng mga tao para matugunan ito.”

Higit sa lahat, bumoto po kayo nang maaga, dahil kapag tinanghali kayo, naroon na ang mga ‘hocus-focus’ at baka pati ang mga pangalan ninyo ay mawala.

Inuulit po ng inyong lingkod, maging handa bukas para sa pagboto at pagbabantay laban sa malawakang dayaan at vote buying.

Go! Ibasura ang massive cheating at vote buying!

Araw ng Paghuhusga

NGAYONG araw na ang paghuhusga.

Uulitin po natin, pakaisiping mabuti ang ibobotong presidente at bise presidente dahil anim na taon po tayong pamumunuan nila.

Isang shade lang po ang gagawin natin, pero kapag nagkamali tayo, anim na taon tayong magdurusa at magdaragdag ng implikasyon sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa pagse-shade nga po pala ng inyong mga iboboto, ‘yung bilog po sa unahan ng pangalan ng iboboto ninyo ang ise-shade, hindi ‘yung sa hulihan ng pangalan.

Marami na raw po ang nagkamali sa absentee voting, kaya ang boto nila, sa kalaban naibilang. Paki-check at pakibasa lang pong mabuti bago i-shade ang inyong iboboto.

Back to issue, marami ang nagsasabi sa mga kahuntahan natin na kakaiba ang situwasyon natin ngayon.

Kahit sinong political analyst yata ‘e nasira sa hindi maipaliwanag na pagdagundong ng hype sa iisang kandidato.

Sabi naman ng iba, isang natural na phenomena ang nagaganap dahil galit na ang tao sa isang bulok na sistema.

‘Yun bang tipong wala nang makitang katinuan kahit saan magpunta.

At kahit mayroong namumuno, wala namang ginagawa kaya hindi maramdaman ng mamamayan ang seguridad.

In short, emosyonal po ang mga botante ngayon.

At sabi nga ng matatanda huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon kapag inaalipin ng emosyon.

Dahil darating ang araw na atin itong pagsisisihan.

Kaya pakiusap lang po, bago i-shade ang boto, pakaisiping mabuti.

Good luck Philippines!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *