Friday , November 15 2024

Kinabukasan nakasalalay sa malinis na boto (Iboto ang karapat-dapat — Mayor Fred Lim)

BUKAS muli na pong magpapapasya ang sambayanan kung sino ang pipiliin na mamumuno sa bansa at sa bawat lokal na pamahalaan.

Iboboto rin natin ang mga mambabatas sa Mababa at Mataas na Kapulungan.

Magiging gabay ng inyong lingkod sa pagboto bukas ang tuwina’y sinasabi ni Mayor Alfredo Lim — IBOTO ANG KARAPAT-DAPAT.

At ‘yan din po ang gusto nating ibahagi sa inyo — iboto ang karapat-dapat.

Alam po natin na mayroong mga politikong hidhid na gagawin ang lahat upang masungkit ang puwestong minimithi.

Sukdulang gumamit ng mga paraan na hindi naaayon sa batas ay gagawin nila.

Sa Maynila, naranasan na po ng maraming pamilya ang kapalit ng kanilang maling pagpapasya noong eleksiyon ng 2013.

Ibinoto nila ang isang convicted na plunderer, hayan, ang dami tuloy nawala sa kanila na dati nilang tinatamasa lalo sa edukasyon at kalusugan.

Ang dating malinis at maipagmamalaking Maynila ay naging tampulan ng malalaking kontorbersiya sa isyu ng traffic, kotong sa vendor at photo bomber ni Rizal.

Naging kontrobersiyal ang mga isyung ‘yan dahil lahat ‘yan ay may kaakibat na kotong.

Nakalulungkot talaga.

Bukas, sana po ay huwag nang magkamali ang mga Manileño — huwag kalimutan at huwag magpaurot — tandaan ang sinasabi ni Mayor Alfredo Lim, iboto ang karapat-dapat.

Kung mayroon man (tiyak na mayroon) na nagtatangkang bilhin ang inyong boto, kunin ninyo ang pera pero iboto ang tunay na karapat-dapat.

Inuulit po natin, HUWAG NANG MAGPAGOYO sa mga plunderer!

Panawagan ng NUJP

Journalists huwag idamay

Nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa publiko, sa mga politiko at sa mataas na opisyal ng gobyerno na huwag idamay ang mga mamamahayag sa political battle ng mga politiko.

Sunod-sunod kasi ang nararanasang harassment ng mga mamamahayag mula sa mga supporter ni Partido Demokratiko ng Pilipinas – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sabin g NUJP, maaaring ang halalan ngayong taon ang may pinakamatinding emosyon sa kasaysayan.

Pero masyadong nakababahala ang inilalabas na galit ng ilang indibidwal na magkakaiba ang pananaw.

Ang napag-iinitan nila ay mga mamamaha-yag ng mga estasyon na sinasabi nilang bias sa reporting at mayroon pang mga pagbabanta.

Nakababahala naman talaga kung ganyan ang nagiging attitude ng ilang indibidwal. Nahuhubdan ng kabutihang asal.

Sunod-sunod na naha-harass sa social media ang mga mamamahayag ng Duterte fans kapag hindi nila gusto ang komentaryo.

Gaya ng isang beteranang mamamahayag nang magsalita tungkol sa BPI account ni Duterte.

Hindi lang siya, marami pang ibang mga mamamahayag ang binu-bully-bully sa social media.

Nakikiusap po tayo sa publiko na huwag naman idamay ang mga mamamahayag.

Tagapagbalita lang po kami hindi po kami mga kampanyador.

Hayaan po nating maging mapayapa ang elek-siyon bukas at hayaan ninyong maging watchdog ninyo kami.

Higit sa lahat, proteksiyonan po ninyo nag inyong mga boto.

Mahal ba talaga ni Asilo ang Maynila!?

Natatawa ang maraming insiders ng Liberal Party sa kandidato kuno sa pagkabise-alkalde na si Atong Asilo.

 Una, nang sabihin niyang siya ang chairman ng LP sa Maynila, gayong alam ng lahat sa partido na ang posisyon ay hawak ni LP mayoral bet Fred Lim. Pangalawa, nang sabihin na inilaban daw niya na si Lim ang maging kandidatong ma-yor ng LP imbes ang nakababatang si Amado Ba-gatsing, na tila ba utang na loob ni Lim na naging kandidatong mayor ng LP.

 Tumindig daw ang balahibo ng oldtimers sa LP dahil sa ‘hangin’ sa ulo ni Asilo. Feeling daw nito, mas tigasin siya sa LP kompara kay Lim, gayong si Mayor lang ang nagbitbit sa kanya (Asilo) sa LP noong tumatakbo itong Congressman.

May mga barkada tayong konsehal sa tiket ng LP at sabi nila, hindi rin daw totoo na hindi kinausap ni Lim si Asilo tungkol sa planong pagtanggap sa suporta ng kampo ng mga Atienza.

Ilang buwan na ang nakalilipas, mahigit isang oras daw na kinausap ni Lim si Asilo sa loob ng kotse, dahil nga hindi umaangat ang kalagayan sa survey at kahit saan sila magtungo, hindi siya kilala.

‘Yung sinasabi ni Lim sa press conference na kakausapin niya si Asilo dahil kulelat nga sa mga survey, pangalawa na kung matutuloy sana. Pero umiiwas nga si Asilo.

Bago pa man tanggapin ni Lim ang suporta ng mga Atienza, bali-balita na ang paghahanap ni Asilo ng konek kay Erap at Amado pero hindi kumibo si Lim, kahit pa may mga naglabasan nang Estrada-Asilo posters sa Tondo. Tototo rin ang lumabas sa balita na noong proclamation rally ng LP sa Quiapo ay nagulat ang mga taga-LP nang parehong dumating na naka-orange na sapatos si Asilo at kapatid na kandidato rin. Kaya daw pala ni minsan ay hindi nadinig na bumatikos sa administrasyon ni Erap?

Nitong huli, nakompirma ang dati nang ba-litang pakikipag-usap ni Asilo sa kampo ni Ba-gatsing nang ilagay niya sa kanyang press release na handa raw si Bagatsing na kunin siya (Asilo) kapalit ni Ali Atienza.  Agad-agad? Ibig sabihin, matagal na silang nag-uusap.

Natawa nga raw ang ilang kasamahang nag-cover sa presscon ni Asilo. Sabi kasi, hindi raw totoong kulelat siya sa mga survey dahil may survey siyang hawak na siya ang nangunguna. Kaso, wala namang ibinigay na kopya sa media. Puwede ba ‘yun, kuwento lang?

 Sa ganang atin, maliwanag na sina Lim at Atienza ang may pinakamalaking tsansa na manalo sa darating na halalan at sila lang ang susi para mapalitan ang mapaniil na administrasyon ni Erap. Kung talagang mahal ni Asilo ang Maynila, mas maganda siguro kung magbibigay-daan na lang siya para malayang magtambal nang opisyal sina Lim at Atienza kaysa maging bala-kid pa.

‘Yan ay kung mahal nga niyang talaga ang Maynila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *