Friday , November 15 2024

De Lima pasok sa Magic 12

NANANATILING pasok si dating Justice Secretary Leila De Lima sa Magic 12  sa mga naglabasang iba’t ibang surveys.

Bagama’t  nasa buntot si De Lima sa karerahan, naniniwala siya na hindi matitinag at baka umangat pa ng puwesto dahil sa puspusang pangangampanya at endoso ng naglalakihang grupo.

Huling nag-endoso kay de Lima ang grupong  El Shaddai ni Bro. Mike Velarde at inaasahang ihahayag ito sa pagtitipon nila.

Sumuporta rin ang religious groups na kinabibilangan ng Ang Dating Daan ni Bro. Eli Soriano,  Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy, Pentecostal Missionary Church of Christ ni Apostol Artemio Ferriol, Apu Dolores Banal A Sacrificio, Bishop Calampiano Almario Apostolic Catholic Church (National Shrine of Ina Poon Bato), Benny Abante ng Biblemode, at  Pastor Jun Bautista ng Adventists Church.

Nauna nang inihayag ni De Lima na buo ang tiwala niya sa  pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) na hindi gagawa ng hakbang na ikasisira ng kanyang pangangampanya kahit na batid ng  lahat na minsan silang nagkabanggaan ng nasabing sekta.

“Tungkol sa impormasyon na umano’y iniuutos ng INC sa local candidates na ilaglag daw ako o huwag isama sa sample ballots, hindi ako naniniwala rito. At kung totoo man ito, I think it’s unfair. Sana naman ay hayaan na lang nila na magpasya ang mamamayan kung karapat-dapat talaga ako sa kanilang pagtitiwala,”  ani de Lima.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni De Lima at ng INC noong  nakaraang Linggo, pero naayos ito matapos  ang isang dialogo.

Ang insidente rin ang sinasabing nagbigay-daan para  hindi isama si De Lima sa mga kandidato  ng INC ngayong Mayo.

Sinabi ni De Lima na respetado niya ang desisyon ng INC at wala naman siyang sama ng loob dahil may pamantayan naman ang naturang relihiyon sa pagpilli ng mga kandidato.

“Iginagalang ko ang desisyon ng INC na hindi nila ako ilagay sa kanilang sample ballot. I respect it because we are, after all, a democratic country,” ani de Lima.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *