Friday , November 22 2024

Tapos na ngayon ang mga pangako… na sana’y ‘wag mapako!

BUKAS, opisyal nang nagwawakas ang kampanyahan.

Tapos na ang mga pangako, ang pambobola, ang yakap sa mga botante, pagbibigay ng giveaways at kung ano-ano pa ng mga kandidato.

Kung sino-sinong kandidato na rin ang nakapahiran ninyo ng pawis at nakatalsikang laway. Muntik na rin sigurong magkapalit-palit ang mukha ninyo dahil sa gitgitan at tulakan.

Nakipag-away para makamayan at makapagpa-selfie or groupie at s’yempre para magkaroon… ng espesyal na ‘souvenir’ na de-abot o de-ipit.

At tapos na rin ang bangayan sa social media ng kursunadang kandidato.

Anyway, tapos na nga ang lahat nang iyan pero mayroon pa tayong isang magdamag para muling repasohin ang listahan ng ating mga ibo-boto.

I-check rin po natin ang ating mga konsensiya kung tumpak nga ba ang pagpili natin sa mga politiko/kandidatong iboboto natin.

At pagkatapos ng botohan, manalo o matalo ang mga pinili nating kandidato ay mag-move on na rin agad tayo.

Pero alam n’yo naman ang Philippine election, ang natalo ay dinaya at ang nanalo ay nandaya.

Ooops tapos na rin nga pala ang maliligayang sandali ng mga ‘buwaya sa katihan’ este ng mga ‘PR’ cum ‘sulsultant’  na nagpipiyesta tuwing eleksiyon at nagtatakip ng puting kumot para magmukhang ‘malilinis’ sila.

‘E kahit naman ikula ang mga konsensiya ninyo hindi tatablan ng busilak na ‘sunshine.’

Sa mga nanalong ‘kandidato’ sa lahat ng elek-siyon, tuparin sana ang mga pangako ninyo sa mga tinatawag ninyong buraot.

‘Wag n’yong balasubasin ang mga buraot na pinangakuan ninyo…

Kawawa naman kasi ‘yang mga tinatawag ninyong buraot na umoorbit kung kani-kanino.

Pati nga kami na opisina ng diyaryo ay ma-dalas na naoorbitan ng mga tinatawag ninyong buraot.

Pero hindi namin sila itinataboy…

‘Yung mga ‘nagmamagaling’ at nagmamalinis tulungan ninyo ang mga buraot na malalapit sa inyo.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *