Friday , November 15 2024

Ibalik si Mayor Lim; Erap, palayasin na!

ELEKSIYON na sa Lunes, ang araw na matagal pinanabikan at inasam ng mga botanteng mamamayan sa Maynila para tapusin ang pagmamalabis sa kapangyarihan ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada at ng kanyang mga kasama.

Muling maibabalik ang dignidad ng mga Manileño na sinira, binaboy at binusabos ni Erap.

Mababawi ng mga Manileño ang karapatan na inagaw ni Erap, ang mga pangunahing serbisyo na pinagsikapang ipundar noon sa administrasyon ng nagbabalik na alkalde Alfredo Lim, tulad ng libreng pagpapagamot sa anim na ospital ng lungsod.

Maibabalik sa dating halaga ang buwis sa Maynila na itinaas ni Erap nang 300% mula nang maluklok siya noong 2013.

Hindi na daranasin na mapapalayas ng mga lehitimong vendor sa public markets ng lungsod dahil ipakakansela ni Lim ang mga kontratang pinirmahan ni Erap na kuno ay joint venture agreement (JVA).

Kanselado rin ang kontrata ng Lacson Underpass sa Quiapo kaya muli itong madaraanan ng publiko 24/7 sa sandaling makabalik si Lim na alkalde sa Maynila.

Ang talamak na krimen at laganap na droga sa lungsod na nangyari sa administrasyon ni Erap ay susugpuin ni Lim para mapanumbalik ang katahimikan at kaayusan sa Maynila.

Ang eleksiyon ay paghuhukom ng bayan sa mga kandidato, ang mga botante naman ang makapangyarihang hukom na hahatol at pipili ng karapatdapat iboto.

Ibalik si Mayor Lim, palayasin na si Erap sa Maynila!

Gapangan na bukas

BUKAS inaasahang magsisimula ang gapangan ng mga botante.

Katakot-takot na vote-buying ang nakahandang mangyari hanggang sa mismong araw ng halalan sa Lunes.

Kung aalukin kayo ng salapi bilang suhol kapalit ng inyong boto, tanggapin ang pera at iboto ang karapatdapat.

Huwag kayong papayag kung ang kondisyon kapalit ng suhol ay paglalagay ng tinta sa daliri.

Kalimitang ginagawa ang “operation tinta” tuwing bisperas ng eleksiyon upang hindi makaboto kinabukasan.

Walang pinakamabisang paraan upang hindi tayo mabiktima ng pandaraya kundi tambakan ng boto ang mga walanghiyang politiko.

Ilan sa mahalaga na dapat nating tandaan: HUWAG IPAGBIBILI ANG BOTO, HUWAG MAGPAPATAKOT AT HUWAG MAGPAPALOKO SA MGA PANGAKO!

Wifey ng presidentiable nag-ala James Bond

ALAM kaya ng isang presidentiable ang covert ops ng kanyang wifey noong nakaraang linggo sa isang mamahaling restaurant ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City?

Ang wifey ni presidentiable ay namataan ng impormante sa Wolfgang Steak House ng RWM at nakapuwesto malapit sa isang VIP room na nasa gawing likuran na kinauupuan niya.

Hindi nagtagal, namataan namang dumating ang isang bantog na gambling lord, kasama ang isang babaeng celebrity.

May bitbit daw na malaking bag ang naturang gambling lord at dumiretso sila ng kanyang celebrity date sa VIP room ng restaurant.

Maya-maya ay lumabas mula sa VIP room ang security-bodyguard ni wifey at bitbit na ang bag na nakitang dala ng gambling lord.

Nang makalabas na ang close-in bodyguard ay mabilis na rin tumayo at sumunod ang wifey ng presidentiable palabas ng restaurant.

Imposibleng regalo ang laman ng mahiwagang bag dahil malayo pa naman ang birthday ni wifey, sabi ng ating impormante.

Magkano, este, ano at para saan kaya ang laman ng naturang bag na ipinasa ng gambling lord sa close-in bodyguard ng wifey?

Hindi ko masisisi ang impormante na isiping pahabol na contribution ang laman ng mahiwagang bag galing sa gambling lord para sa presidential campaign ng waswit ni wifey.

Ang babaeng celebrity na kasama ng gambling lord ay asawa ng isang business tycoon mula sa angkan ng mga politikong landlord.

“Lapid Fire” sa DZRJ at Cablelink TV-CH.7

LAGING subaybayan ang malaganap nating programang “Lapid Fire” na napapanood sa 8Tri-TV ng Cablelink Channel 7, mula 8:00 am – 10:00 am na sabayang napapakinggan mula 9:00 am hanggang 10:00 am sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz.), Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas at Atong Ma.

Anomang sumbong, puna at reaksiyon itawag sa Landline Nos. 412-0288 at sa Textline Nos. 0917-678-8910.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *