Danny Cuneta, Onie Bayona & Ding Santos patok na mga konsehal para sa Pasay City
Jerry Yap
May 3, 2016
Opinion
SA susunod na Lunes, Mayo 8, boboto na tayo.
Iboboto natin ang mga kandidatong sa ating palagay ay nararapat para sa kanilang posisyon na inililigaw sa ating mga botante.
Sa Pasay City, mayroon po tayong irerekomenda na sa ating palagay ay karapat-dapat para maglingkod sa mga Pasayeño.
Kapag ibinigay ninyo ang inyong boto sa kanila, hindi kayo mabibigo dahil tiyak na sila ay magtatrabaho para sa kapakanan ng mga mamama-yan at ng lungsod.
Unahin po natin si DANNY CUNETA, anak ng dati at yumaong Mayor na si Pablo Cuneta, itinuturing na ama ng Pasay City.
Ang expertise ni Danny Cuneta ay pamamahala at pagpapaunlad ng Casino sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Naniniwala si Cuneta na ang tagumpay sa bawat negosyo ay nakasalalay sa liderato at karisma ng isang leader, teamwork, nagkakaisang pana-naw at nagkaka-iisang direksiyon ng mga empleyado.
Kaya mula sa pagiging Casino dealer noong 1981 sa edad na 21 anyos, sa Philippine Village Hotel sa ilalim ng Philippine Casino Operators Corporation, si Cuneta ay nagretirong General Manager ng Casino Filipino Tagaytay noong nakaraang taon, 2015.
Nang isilang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong 1986, naipakita ni Cuneta ang kanyang husay at dedikasyon sa trabaho sa pa-mamagitan ng paghawak sa iba’t ibang posisyon sa Casino gaya ng Senior Dealer noong 1988, Pit Supervisor noong 1989, Pit Manager noong 1994; at Casino Shift Manager noong 2000.
Naging bahagi rin siya ng pool of Gaming Trainers noong 1990 hanggang 1991 bilang Pit Supervisor.
Matapos ang tatlong taon bilang Casino Shift Manager, siya ay itinalagang Acting Branch Ma-nager ng Casino Filipino Olongapo noong 2003 at naging full pledge Branch Manager noong November 2003. Sa ilalim ng pamamahala ni Cuneta, tumaas ang kita ng Casino at naabot nito ang sa-vings sa OPEX budget.
Noong November 21, 2004, pinamahalaan ni Cuneta ang pinakamalaking branch ng Pagcor sa probinsiya – Casino Filipino Cebu. Wala pang limang taon, napataas ni Cuneta ang average daily customers’ attendance mula sa 1,200 noong 2004 hanggang 3,600 noong 2009. Naabot din ng Casino Filipino Cebu ang maraming record breaking income performances nang sumirit mula P1.25 bilyon noong 2004 hanggang P2.080-B noong 2009.
Ang peak ng kanyang career ay kanyang naabot nang siya ay maging General Manager noong August 12, 2008. Dahil sa nasabing achievements, si Cuneta ay itinalagang General Manager ng Casino Filipino Pavilion noong November 5, 2009. Gaya sa iba niyang pinamahalaan, naabot din ng Casino Filipino Pavilion ang kanilang income target.
Kasunod nito siya ay inilipat sa Casino Filipino Tagaytay noong Abril 24, 2014 bago ang kanyang early retirement noong May 02, 2015 sa edad na 55-anyos.
Sa kanyang pagreretiro, alam ni Danny Cuneta na mayroon pa siyang maiaambag na pagli-lingkod sa mga Pasayeño kaya nagpasya siyang tumakbo bilang Konsehal.
Subukan naman natin ang bago, huwag naman tayong mahirati sa luma kaya isama sa inyong balota — DANNY CUNETA!
Ang kaibigang DING SANTOS, panahon na upang makababawi naman ang mga taga-Pasay sa kanya. Kahit hindi kandidato at wala sa puwesto hindi nanghihinawa sa pagtulong ang ating kaibigang si Ding.
Huwag sayangin ang iniluluhog niyang serbisyo, panahon na para iluklok siya bilang Konsehal ng Pasay — huwag po ninyong ka-limutan — DING SANTOS, ang inyong kaibi-gan.
At ang nagbabalik na si ONIE BAYONA— subok at wala na tayong hahanapin pa.
Muli nating ibalik sa Konseho ng Pasay si Onie Bayona.
Nakasisiguro tayo na sa tatlong Konsehal na ito ay makikinabang ang mga taga-Pasay!
Tama si Bro. Mike
KA JERRY, totoo ang sinabi ni Bro. Mike na naaalala lang sila ng mga kandidato kapag elek-siyon. Akala mo maaamong tupa cla pero kapag nakaupo na balewala ka na. +639189311 – – – –
Pinag-aagawan ang pawis ni Duterte
SIR nakakaawa mga Duterte panatiks, mantakin n’yo pinupunas ni Duterte ‘yun tuwalya sa pawis n’ya saka ibinabato sa mga tao. Ganyan na ba tayong Pilipino? +63915822 – – – –
‘Berdugo’ sa Guiguinto Bulacan?! (Attn: PNP-Pro3 & COMELEC)
SIR pakitulungan nga po kami rito sa munisipyo ng GUIGUINTO Bulacan, masyado na kasi abuso ang asong kalye ni MAYOR 3c at ABC dto sa munisipyo sir e. Itong si alyas Teresa ay talo pa si hepe kung makasigaw sa mga tao dto. Lagi pang naka-display ang baril. ‘Di ba bawal ho ‘yan? +63919730 – – – –
MPD pro-Erap ba?
BOSS JERY, normal ba na ang MPD ay PRO-ERAP dahil ho ang ilan sa mga opisyal e tumutulong pa sa kampanya? Sinasabi na ‘di raw totoo ang utos ng itaas sa PNP na dapat non-partisan ang pulis sa Maynila. Baka akala nila ang lahat ng pulis ay kakampi at boboto sa amo nlang mandarambong. BULABUGIN na ‘yan boss Jerry! +63915388 – – – –
City hall at lower courts hindi raw iboboto si Erap?
SIR JERRY, walang aasahang boto sa amin ‘yan sina ERAP dahil ho ginagawa kaming BOBO. Mga pulis at teacher lang bngyan ng allowance. May sirang tablet pa. Binola pa kami na ibbigay ang city allowance namin na mas mataas kay Lim. Hndi na kami papauto! +639176299 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com