Monday , December 23 2024

Baliktaran na balimbingan pa

ISANG linggo na lang eleksiyon na.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung nagkakaroon ng malalaking major movements.

Isa sa mga major movements na ‘yan ‘e ‘yung magbaliktaran at magbalimbingan.

Ganyan po kasaklap ang buhay sa politika.

Kung si Gov. Jonvic Remulla na spokesperson pa ni presidential candidate VP Jojo Binay ay biglang bumaliktad pabor kay Digong Duterte, ano pa kaya ‘yung iba?!

Hindi tayo magtataka kung sundan pa ng ibang ‘baliktarin’ at ‘balimbing’ ang hakbang ni Gov. Jonvic.

Normal na normal sa kanila ang ganyang buhay.

Ang importante, nakapagsisiguro sila, hindi ba?

Ang pinakaabangan ngayon nang marami kung sino ang tatanggap ng endorsement ng Iglesia Ni Cristo (INC)?

Ayon sa ating source, pinagpipilian umano kina VP Binay o Sen. Grace.

Pero, knowing INC, hindi sila tataya sa mga dehado.

Pirming llamado ang pinipili nilang manok.

Totoo rin kaya ang balita na mayroong malaking announcement sa May 6 at May 7, ang dalawang malalaking politko?

Tungkol kaya iyan sa major baliktaran?

Isang malaking politiko umano  ang magbibitaw sa kandidatura at iendoso ang kanyang kalaban.

Abangan po natin ‘yan at huwag kukurap.

Kung ganyan nang ganyan ang nangyayari sa ating bayan, ano ang ating maaasahan?!

Ano ang aasahan ng sambayanan sa ganyang kalakaran?!

Hindi bayan kundi sarili ang laging inililigtas laban sa ‘tabak’ ng politika sa bansa.

 Pagkatapos ng May 9 elections, mayroon pa kayang dapat asahan ang bayan?!

O tuluyan na rin yayakapin kung ano ang nagaganp na kalakaran?!

God save the Philippines!

TCEU Shareef Giyera ‘este’ Guerra overkill na sa kanyang trabaho!?

HUWAG daw kayo magtaka kung biglang bumaba ang bilang ng mga turista riyan sa NAIA.

Ito palang si TCEU Guerra ay ala-giyera patani ang dating mula nang ma-assign diyan as TCEU member sa BI-NAIA.

Wala raw patumangga ang pag-offload sa mga Pinoy na pasahero pati na ang pag-exclude sa Chinese tourists kaya hindi raw malaman ng Immigration Supervisors sa NAIA kung may “amats” ang isang ‘yan?

Kahit daw mga Chinese na sponsored ng mga casino pati na ibang foreigners na kompleto ang dokumento at may capacity to travel ay walang habas na ini-exclude.

Talagang kumo-quota na sa dami ng offloads and exclusions araw-araw si TCEU Giyera ‘este’ Guerra!

Kahit paliwanagan ng mga kasamahan niya pati mga bisor sa shift niya ay hindi raw pinakikinggan.

Wattafak!?

Daig pa niya ang may war shock!

Sabi pa ng mga urot sa BI-NAIA!

Aba’y dapat malaman ni Commissioner Geron ang pangyayaring ito. Abuso na ‘ata ‘yan!?

May mga nagsabi nga raw na magpa-file daw ng complaint ang mga casino na nagbigay ng sponsorship sa Chinese high rollers and junket players na ini-exclude nitong si IO Guerra.

Baka raw kasi wala nang pumuntang manlalaro sa kanila.

Ang siste wala rin namang nangyayari sa mga exclusions ng kumag.

Dahil pagdating nang ilang oras ay meron na agad recall of exclusion ang mga biktima, so balewala rin ang pakitang gilas ni kamote!

Commissioner  Geron  baka kailangan bigyan ng neuro-psychiatric test ang isang ‘yan para malaman kung totoo nga na may ‘amats’ siya?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *