Friday , November 15 2024

Hamon ni Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes kagatin kaya ni Digong?

PARA patunayan na totoo ang mga inilabas niyang detalye kaugnay ng mga sinabing yaman ni Davao city mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte, hinamon siya ni vice presidential candidate, Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV na magkita sila sa BPI Bank sa Pasig City sa Lunes ng umaga.

Nang ilabas kasi ni Sen. Trillanes ang nasabing detalye, agad itinanggi ni Digong.

At maging ang kanyang spokeperson na si Peter Laviña ay sinabing “non-existent” ang nasabing account.

Kaya ang ginawa ng senador, naghulog siya ng P500 sa nasabing BPI Branch sa Julia Vargas Ave., sa Pasig City at napatunayan niyang ang nasabing account ay joint account ni Digong at ng anak na si Sara Duterte.

Ayon kay Sen. Trillanes, ang laman ng nasabing account ay P211 million.

Pero bago ito sinabi ni Digong na huwag paniwalaan ang sinasabi ng Senador.

Aniya, “I am not a rich man.”

“Huwag kayong maniwala diyan, it’s a pure garbage.”

Pero kahapon, inamin ni Digong ang nasabing bank account pero sinabing P200,000 lang ang laman.

Kinahapunan, tinanggap ni Digong ang hamon ni Sen. Trillanes at sinabing P17,000 lang ang laman ng nasabing bank account.

Tsk tsk tsk…

Hindi natin alam kung  ano ang layunin ni Digong at bakit kailangan niyang itanggi ang isang katotohanan na may kaugnayan sa kanyang pagkatao gayong mayroong mga lalabas na dokumento?!

Guilty ba si Digong  na marami siyang itinatago?

‘Yun bang sinasabi niyang mahirap lang siya, ay bahagi lang ng isang media-hype?!

 Media-hype na maraming kababayan natin ang nagogoyo?!

Sa Lunes, aabangan po natin ‘yan!

NAIA Terminal 1 mukha nga bang mabahong palengke?

GRABE naman itong deskripsiyon na natanggap natin mula sa mga pasahero hinggil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Bukod sa tumutulong kisame, grabe raw ang baho at dumi ng comfort rooms sa 4th level dahil sa kakapusan ng tubig.

Kailangan din gumamit ng tabo at timba ang pasahero kapag gumamit ng toilets.

Ibig sabihin, walang tubig sa 4th level kaya nagrereklamo ang mga taga-Qantas, KLM cargo at DNATA offices.

Hindi rin sufficient ang air-conditioning lalo na kapag hapon na.

Nagkalat din sa 4th level ang kagamitan ng janitorial services kasama ang mga nagtitinda ng pagkain.

Sa departure curb-side naman makikitang ginawa na nilang kolektahan ng basura ang nasabing area. Ibaba nila ito sa pamamagitan ng trolly at paghihiwa-hiwalayin na para silang mga basurero sa harap ng mga pasahero.

Hala, anong nagyari sa NAIA T1, manager Dante Basanta?!

Hindi ba’t bilyones ang pondo para sa rehabilitation niyan under DMCI?!

Anong nangyari sa bilyones?!

Nawalang parang bula na ang kapalit ay pinapangit at pinabantot na airport?!

Wattafak!

Hindi na tayo nagtataka na ang NAIA Terminal 1 na ginastusan ng P1.3 bilyon para sa rehabilitation ay nanatiling nasa talaan ng worst airport in the world!

Mahiya kayo sa OFWs at taxpayers!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *