Friday , November 15 2024

Bongbong inendoso na ng INC

PUMUTOK na sa social media ang endorsement ng Iglesia Ni Cristo (INC) para kay vice presidential bet, Senator Bongbong Marcos.

Nangyari ito kamakalawa nang mapabalitang dumalaw ang senador sa  punong tanggapan ng INC.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, si Bongbong at ang pinsang senatorial candidate na si Martin Romualdez ay ipinatawag sa punong tanggapan upang kapanayamin ng mga pinuno ng Iglesia.

Pagkatapos ng nasabing pulong, umugong ang balita na si Bongbong Marcos na ang iniendoso ng INC.

Walang pagtutol na narinig sa kumalat na balita. Naniniwala ang marami na wala namang ibang mapipili ang INC kundi si Bongbong.

Mula sa simula ng kampanya, nagpakita ng sipag at tiyaga ang senador. Walang pinipiling lugar at buo sa kanyang layunin na ‘ligawan’ ang sambayanan kahit sa pinakasulok na bahagi ng bansa.

Kaya naman hindi nakapagtataka na unti-unti, nakuha ni Senator Bongbong ang pagsang-ayon ng maraming mamamayan na siya ay magiging karapat-dapat at magiging mabuting bise presidente ng bansa.

Naniniwala rin tayo na ang endorsement ng INC ay pormalidad na lamang.

Alam ng lahat na malapit ang puso ng INC sa pamilya Marcos.

Sa mga susunod na araw, tiyak marami pang malalaking organisasyon ang mag-iendoso sa Senador para maging bise presidente ng bansa.

Pero sa katangian ni Bongbong, tiyak na hindi ito magpapalaki ng kanyang ulo at lalong hindi magpapakampante.

Kundi sisikapin niyang maging karapat-dapat sa tiwalang ipinagkakaloob ng sambayanan.

Go Bongbong, go!                          

Lim – Atienza epektibong tambalan sa Maynila

Kahapon, opisyal na inihayag ng nagbabalik na alkalde ng lungsod ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim, ang pagsasanib-puwersa nila ng vice mayoralty candidate na si Ali Atienza ay malaking pabor sa mga Manileño.

Gayon man, nilinaw din niya na lubhang mababa ang nakukuhang ratings ni dating congressman Atong Asilo sa mga survey kaya minabuti ng kanilang partido na makipagsanib-puwersa kay Atienza.

Sa panig ni Atienza, malungkot nilang inihayag na wala talagang balak manalo ang isa pang mayoralty candidate na si Amado Bagatsing dahil hindi naman siya nangangampanya.

Nang tanungin umano ni BUHAY Party-list representative Lito Atienza kung bakit hindi nangangampanya si Bagatsing, tahasan niyang sinabi na kaibigan niya si Erap.

Lumalabas umano na ang pagtakbo ni Bagatsing ay naglalayong basagin ang boto ni Lim.

Tsk tsk tsk…

Ganyan talaga karumi ang politika ng ibang mga kandidato. Hindi sila tumatakbo sa layuning maglingkod sa bayan. Tumatakbo sila para magpagamit sa ibang politiko.

Ibig sabihin, sa umpisang-umpisa pa lamang, hindi naaayon sa kabutihang-asal ang layunin ng pagkandidato ni Bagatsing.

Sana ay maging aral ‘yan sa marming botante.

Huwag bumoto sa mga taong, sarili lang ang importante.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *