Thursday , December 26 2024

Pasko na sa Maynila… Pagkatapos ng eleksyon

‘IKA nga ng marami, ang Pasko ay para sa bata lamang, dahil sa mga bago at magagarang damit at sapatos, na karaniwang tuwing Pasko lamang nila nakakamit! Maging mga regalo, pera at masasarap na pagkain, na sa araw ng Pasko lamang nila natitikman, partikular ng maliliit nating mga mamamayan! Pero, ano’t Abril pa lamang ay balita nang mapapaaga ang Pasko sa Maynila pagkatapos ng eleksiyon?

Malaking “Q” ito mga ‘igan. Aba’y teka, bakit nga ba? Hayaan muna nating lumipad nang lumipad ang ating Pipit, upang makasagap ng balita.

Mas matindi pa ‘igan sa mga laban ni Pambansang Kamao, Manny ‘Pacman’ Pacquiao, ang salpukang magaganap sa Maynila sa darating na eleksiyon. Mantakin n’yong parang manok na magsasabong ang tatlong (3) politikong nag-uunahan sa pag-upo bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Ayon sa aking “Pipit” mga ‘igan, sa kasalukuyan ay mahigpit ang labanan sa pagitan ng “Ama ng Libreng Serbisyo,” Mayor Alfredo S. Lim at ni Kabayo ‘este’ Kabaka Congressman Amado Bagatsing. Aba’y nasaan na ang para sa Mahirap (kuno…he he he…), Mayor Erap Estrada? Totoo nga bang nangungulelat na sa karera? 

Ka Fred Lim ingat din kay Ka Matsing ‘este’ Bagatsing, sabagay, “Tuso man daw ang Matsing, napaglalalangan din!” Hehehe… Nawa’y magkaroon ng malinis at payapang eleksiyon…At lagi sanang manaig ang tunay na isinisigaw ng sambayanang Manilenyo… “Ibalik ang ama ng libreng serbisyo, na Kaagapay laban sa mga Perhuwisyo! Aba kapag nagkataon mapapaaga ang Pasko sa Maynila, lalong–lalo na ng mga pobre o’ mahihirap nating mga mamamayan sa Kamaynilaan! Wika nga ng aking “Pipit”… “Haaayyy…hari nawa’y maibalik na ang Libreng Serbisyo sa tao…(nino?)…ng isang Lingkod–Bayang Inyong Maaasahan…  

Ghost employees sa Zoo ibubuking

SADYA nga bang talamak na sa Manila City Hall ang “ghost employees?” Bakit nangyayari ito mga ‘igan? Paano ito tutuldukan? Matutuldukan kaya? Ayon sa ating “Pipit” na matinik sa mga katiwaliaan at anomalyang nangyayari sa paligid…natunton niya ang “Manila Zoo” na pinamumunuan ni Director Dechavez.  Aba’y laking gulat nang makalkal ang detalyeng makapaglalahad at makapaglalantad ng katiwaliang nagaganap sa “Manila Zoo!”

Sa paglalahad ng aking “Pipit na Matinik,” ang magaling at beteranong henete ng kabayo na si Jockey Guce, Jesse B., na paboritong henete ni Director Dechavez ng Manila Zoo, ay may “status” umano na “Job Order V,” na umano’y sumusuweldo kada buwan ng P10,358.00. Ha? OMG…dagdag pa at ibinulong ng aking “Pipit na Matinik,”…na pati umano ang asawang si Ms. Hazel Joy M. Flores, na umano’y may “status” namang “Job Order III,” ay sumusuweldo rin ng umano’y halagang P8,932.00 kada buwan. Sus ginoo! Ang siste pa rito mga ‘igan, sumbong pa ng ating “Pipit,” kung araw lang ng suweldo kung mag-appear sila! Anong klaseng pamamalakad ‘yan sa “Manila Zoo?” Hindi ba tahasang pagnanakaw ‘yan sa kaban ng Bayan? ‘Igan, dapat n’yong malaman na “Ang Sweldo’y bunga ng iyong pinagtrabahuan” at hindi ng “wala” lang. Masarap kumubra ng salaping pinagpaguran. Sasakit ang tiyan sa pagkaing…nakaw lang ‘yan!

Isang paglilinaw lamang po ng BBB: Bato Bato Balani…ang tamaan ay sadyang magagalit, na kung may katotohanan po ang sumbong na ito’y mananagot kayo sa Taumbayan. Hindi tamang i-”tolerate” ang mga “asta o’ asal hayop” na ito mga ‘igan…Bagkus, dapat nang tuldukan at tuluyan na itong itama tungo sa tuwid na landas ng buhay, ‘ika nga ni NoyP!

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *