Friday , November 15 2024

Lim at Atienza sanib-puwersa vs krimen at droga sa Maynila

NAGKAISA ang nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim at ang BUHAY Party-list ni Bro. Mike Velarde, na kinakatawan sa Kongreso ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Lito Atienza, sa planong pagtulungan na pawiin ang lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga na namamayani ngayon sa Maynila, kaugnay ng kanilang advocacy na pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod sa layuning protektahan ang buhay ng tao.

Sa isang pulong, nagpahayag muli ng solidong suporta para sa isa’t-isa sina Lim at Atienza para sa darating na halalan, at binigyang-diin nila ang pangangailangan na tuldukan ang patuloy na pagtaas ng kriminalidad sa Maynila lalo na ang kaso ng mga ‘riding-in-tandem’ gayondin ang pagbaha ng droga sa mga barangay.

Si Atienza ay nagsasagawa ng pulong sa iba’t ibang grupo sa barangay level at pormal niyang ipinananawagan ang pagboto kay Lim, dahil ito lamang aniya ang tanging kandidato para mayor na maaaring maglunsad ng seryosong kampanya laban sa mga masasamang-loob. Binigyang-diin din niya na ang kanyang anak na si Fifth District Councilor Ali, ay lubha ring nababahala sa paglala ng krimen sa Maynila nitong nakalipas na mga taon lamang at tiniyak din niya na kapag naging vice mayor ay gagawin din niya ang lahat upang matigil ang mga krimen sa pamamagitan ng mga makahulugang ordinansa.

“Alam ko ito dahil matagal kong naka-trabaho si Mayor Lim. Siya ay subok na pagdating sa pagbaka sa krimen,” ani Atienza, na naging bise-alkalde ni Lim bago rin naging alkalde.

Bukod sa kanyang commitment na suportahan ang BUHAY bilang kanyang official party-list, pinasalamatan ni Lim si Atienza sa patuloy niyang pag-endoso sa kanya sa lahat ng kanyang mga isinasagawang pagpupulong sa iba’t ibang sektor, at gayondin sa kanyang panawagan sa mga sariling supporter na si Lim ang iboto sa darating na halalan dahil na rin sa kanyang programang ‘mula sinapupunan hanggang kamatayan’ at mga plano na ibalik lahat ng libreng serbisyong medikal sa anim na ospital ng Maynila, na pawang nawala nang umalis si Lim sa City Hall.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *