Friday , November 15 2024

Tanim-bala na naman

NAGDULOT ng pangamba sa marami ang muling pagputok ng isyu ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

At sa pagkakataong ito, marami ang nagulat at naawa dahil mag-asawang kapwa senior citizens ang hinuli ng mga awtoridad dahil sa pagtataglay umano ng bala sa dalang shoulder bag.

Nakatakda sanang magpunta sa America para magpagamot sina Esteban Cortabista, 78, at ang asawa na si Salvacion, 75, ng Boso-boso, Antipolo City.

Pero nabigong makaalis ang mag-asawang pasahero dahil nakitaan umano ng bala ang bag nila sa huling checkpoint ng mga bagahe sa paliparan.

Ang katuwiran ni Salvacion, dalawang ulit na silang nagpupunta sa America kaya alam nila na ipinagbabawal ang pagdadala ng bala sa paliparan.

Tahasang itinanggi ng mag-asawa na kanila ang isang bala na nakita raw ng X-ray machine sa loob ng shoulder bag ni Salvacion.

Ang ipinagtataka nila, bakit nang ipasok nila ang bagahe sa unang X-ray machine ay walang nakitang bala. Samantala, sa huling security check lumitaw na ang bala na nasa loob ng bag.

Ano nga kaya ang nangyari? Nagkaroon kaya ng mahika kaya misteryosong lumabas ang bala na wala naman sa unang security check? Ang akala ko’y tapos na ang isyung ito pero pinagpahinga lang pala para muling manalasa, makapambiktima at makapangotong.

Isang wheelchair attendant na nagngangalang Niño Namba ang inakusahang humihingi umano ng P50,000 sa mag-asawa matapos matuklasan ang bala sa kanilang bagahe.

Ayon sa pamangkin ni Cortabista na si Fei Balagot, nagbabala pa raw ang attendant na ang halaga na kanyang hinihingi ay maaaring tumaas kapag dinala na sila sa mga awtoridad para sampahan ng kaso.

Si Namba ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya. Pero makikita sa naganap na may mga tiwali pa ring empleyado sa paliparan na gagawa ng kalokohan kung makalulusot ito.

Ang mga miyembro ng PNP Aviation Security Group ay tinatawag lamang sa oras na may matuklasang bala o ano mang kontrabando sa loob ng bagahe ng pasahero. Ito ang dahilan kung bakit tinitiyak nila na hindi sabit ang mga pulis sa ano mang katiwalian na nagaganap.

Pero hindi kaya mas makabubuti kung tututukan ng pulisya ang pagbabantay sa mga empleyado ng paliparan, para matiyak na walang gagawa ng kalokohan na ikapeprehuwisyo ng mga pasahero at magdudulot ng kahihiyan sa buong bansa?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *