Saturday , November 16 2024

Amok nanaksak sa PCP, todas sa parak (2 pulis sugatan)

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki makaraan barilin ng isang pulis nang mag-amok at saksakin ang dalawang parak sa loob ng police station sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang lalaking may gulang na 40 hanggang 45-anyos, 5’10 haggang 5’11 ang taas, malaki ang pangangatawan, kalbo at nakasuot ng itim na short pants.

Habang nilalapatan ng lunas sa Jose Abad Santos Hospital sina PO1 Jerus Gonzales dahil sa saksak sa leeg, at PO1 Mark Osit, dahil sa sugat sa mukha at leeg, pawang nakatalaga sa Manila Police District (MPD) – Escolta Outpost.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 11:45 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng MPD-Escolta Outpost sa panulukan ng Escolta St., malapit sa Quintin Paredes St., Binondo, Manila.

Nauna rito, naka-duty ang nabanggit na police officers nang pumasok ang lalaki at nagpanggap na magrereklamo ngunit pagkaraan ay naglabas ng patalim at sinugod ng saksak ang dalawang pulis.

Bunsod nito, bumunot ng baril ang isa sa mga pulis at pinatukan ang lalaki.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *