Friday , November 22 2024

Mga Kasalanan at Kakulangan ni Leila De Lima sa Taongbayan!

Nag-aambisyong makapasok sa senatorial winning circle of 12 si dating Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima, at sa kasalukuyan ay labas-masok sa mga panghuling puwesto ng mga nais iluklok ng botante sa mataas na kapulungan.

Hustisya at pagsunod sa batas ang panawagan ni De Lima. Hindi na bago ito, gasgas na ngang linya ang hirit na ganyan. Sa pagdesisyon kung karapat-dapat ba talagang maging senador si dating Madam Secretary, kilatisin nga natin ang aktuwal na nagawa at hindi nagawa ng nasbaing opisyal.

Sa totoo lang, marami-raming isyu laban kay Leila.

Uunti-untiin natin ito para naman maliwanagan ang botanteng Filipino.

Una na rito ang kawalang aksiyon ng DOJ sa paglalatag ng kaso at pagsasampa ng asunto laban sa hinihinalang smugglers. Hindi raw sapat ang ebidensya sabi ng DOJ, kaya ibinalik sa NBI ang imbestigasyon sa rice smuggling.

Sa totoo lang, kung nagsipag lang si De Lima sa pagkuha ng salaysay ng napakaraming negosyanteng nagpatunay na talamak ang rice smuggling, sana’y napanagot na noon pa. Paano man tingnan ngayon, natulog o namatay na ang isyung ito. Anong ginawa ni De Lima, bukod sa madalas na pagbalandra ng mukha niya sa media?

Waley?!

Sunod ang usapin ng kawalan ng aksiyon ni De Lima sa mga kabalbalang nangyayari sa Bilibid. Ano rin ang nangyari sa mga raid at bisita niya kuno? Wala rin. Tingnan ang Bilibid ngayon at kung ano ang dinatnan ni De Lima, naroon pa rin lahat – mga naglipanang bawal na personal na gamit gaya ng cellphone, TV, aircon, ref, at marami pang iba. Talamak din ang pagpasok ng droga, baril at iba pang kontrabando. Ano ang nagawa ni De Lima sa pagreporma ng National Penitentiary?

Waley na naman?!

‘Yun mga kaso ng media killings may nagawa ba siya?

Waley pa rin?!

Mukhang puro sa kiyaw-kiyaw lang magaling si De

Lima, magaling lang sa publicity. Puro bokya. Walang nagawa.

O baka mas abala siya sa kanyang lovelife???

Abangan pa ang mga susunod na kabanata.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *