Friday , November 15 2024

Mayor Lim pinapurihan ng communities

PINAPURIHAN ng mga residente ng ‘depressed communities’ sa Maynila ang nagbabalik na alkalde na si Alfredo S. Lim dahil sa pagiging katangi-tanging kandidato para alkalde, na bumisita nang personal sa kanilang mga tahanan.

Sa kanilang pagtanggap sa alkalde, nagpahayag nang pagkagulat at pagkatuwa ang mga residente nang makita si Lim, na taliwas sa ipinakakalat ng mga kalaban, ay nananatiling malakas at malusog, lalo pa’t nakita nila ang uri ng pangangampanya sa bahay-bahay sa gitna ng tirik na araw.    

Habang idinetalye ng chief of staff ni Lim na si Ric de Guzman, ang araw-araw na campaign schedule ni Lim na binubuo ng pagbabahay-bahay sa umaga, motorcade sa hapon at mga caucus naman sa gabi.

Sa kanyang house-to-house campaign, personal aniyang nakakausap ni Lim at nakikilala ang mga residente, na pawang  natutuwa na nakikitang malakas pa si Lim ‘di gaya ng mga malisyosong paninira ng kanyang mga katunggali sa politika.

Sa tuwing maririnig naman ito ni Lim, pabiro niyang sinasabi sa mga residente na ang tanging kondisyon meron siya ay pagiging ‘lovesick’ dahil nami-miss niya ang kanyang maybahay sa tuwing siya ay nasa labas.

Pinuri ng mga residente si Lim na anila ay tanging kandidato para mayor na pumupunta sa kanila at maging sa kaliit-liitang iskinita ng kanilang komunidad upang sila ay personal na mabisita.

Habang ayon kay De Guzman, ito ang paraan ni Lim upang personal na malaman ang kondisyon ng pamumuhay ng mga taga-Maynila lalo na ng mahihirap, upang agad niyang maibigay ang pangangailangan sa kanyang pagbabalik sa City Hall, bukod sa mga programang ipinatupad na ng kanyang administrasyon.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *