Monday , December 23 2024

Huwag mong gawing Kris Aquino si Aika, maawa ka Leni!

KAMAGANAK incorporated.

‘Yan ang tinutungo ng pamomolitika ng Liberal Party at ito ay may ‘component’ ng ‘emotional blackmail’ sa sambayanan.

Ayaw daw sa political dynasty pero ito ang gasgas na formula ng mga Aquino na ngayon ay ginagamit ni Leni Robredo.

Pansinin ang padron at ito ay running joke na sa masa — pero sa totoo lang, ito ay may katotohanan.

Noong mamatay si Ninoy, naging presidente si Cory at noong mamatay si Cory naging presidente si Noynoy…

Klarong emotional blackmail ‘yan, dahil sinasamantala nila ang kalungkutan at kulturang pakikisimpatiya ng sambayanan sa kanila…

Kung may delicadeza, sila mismo ang tututol at sasabihin nila sa tao na dapat pag-isipang mabuti ang pagpapasya.

Pero talagang opportunity grabber sila. Siguro naniniwala sila sa kasabihang, opportunity knocks only once.

At kung sakaling mamatay si Noynoy, sino naman kaya ang susunod nilang ikakampanya para maupo muli sa Malacañang?!

Si Joshua o si Bimby?      

Excuse me po, hindi po natin idinadamay dito ang dalawang bata, katunayan, matagal na silang idinamay ng angkan nila sa politika at entertainment industry.

At ‘yan po ang eksaktong formula na ini-a-apply nila ngayon kay Leni.

Ang biyuda ni Jesse Robredo ay inihahalintulad nila sa biyuda ni Ninoy Aquino.

At ang kanyang bunsong anak na si Aika ay inuulit ang papel ni Kris Aquino sa kanyang kampanya.

It seems that politics is a family business for the Robredos now. Are they putting politics on their plate?

Naniniwala sila sa pambobola ng Liberal Party at sa pamamagitan ng ‘magic formula’ na sympathy over emotional blackmail ‘e aangat ang kandidatura ni Leni.

Wattafak!

Madam Leni, maawa ka kay Aika!

The girl is very intelligent, don’t ruin her future! Don’t make another Kris Aquino out of her!

Tsk tsk tsk…

In short, don’t utilize your children because of your political ambitions, unless, you are putting politics on your plate…      

Then you may wreck your beautiful family.                            

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *