Monday , December 23 2024

Gov. Joey Salceda nagdeklarang Grace Poe na siya!

HABANG nalalapit ang eleksiyon unti-unting tumitining ang ‘kampihan.’

Ang pinakahuling nagdeklara, si Albay Governor Joey Salceda. Nag-withdraw sa Liberal Party at nagdeklarang si presidential aspirant Grace Poe na ang kanyang susuportahan.

Marami ang nakaaalam na ibang klase kapag kumumpas si Gov. Joey.

Kumbaga magkakaroon ng major movement sa political alignment sa buong bansa.

Magugunitang sinuportahan niya nang todo ang administrasyong PGMA at nagpahayag ng pagkiling sa kandidatura ni dating presidential aspirant Gibo Teodoro.

Pero nang papalapit na ang eleksiyon, kumumpas siya para kay Noynoy Aquino… and the rest is history.

Kumbaga, hindi pa nasisira ang kredebilidad at integridad ni Gov. Joey pagdating sa pagsuporta sa kanino mang kandidato.

Laging swak ang kanyang kalkulasyon at ramdam ang pulsong eksakto kung sino ang tamang kandidato.

Dahil sa pagdedeklara na ‘yan ni Gov. Joey, abangan natin sa mga susunod na araw ang malalaki at major movements sa iba’t ibang political alignments.

Remember, halos 15 araw na lang — imamarka na naman ang bagong yugto sa kasaysayan ng ating bansa.

Kaya hindi nakapagtataka kung magkaroon ng malaking pagbabago lalo roon sa mga nagsisiguro.

Huwag bibitaw.

Ex-Mayor Aldrin San Pedro ng Muntinlupa City ipinaaaresto ng Sandiganbayan

IPINAAARESTO na ng Sandiganbayan ang dating alkalde ng Muntinlupa City na si Aldrin San Pedro ganoon din ang 11 dating empleyado ng lungsod dahil sa graft charges.

Ibinasura ng Second Division ang mosyon ng kampo ni San Pedro na ipagpaliban ang pag-aresto sa kanya lalo’t siya ay tumatakbong katunggali ni incumbent Mayor Jaime Fresnedi.   

Bukod diyan, nagpalabas din ng hold departure orders (HDO) ang  Sandiganbayan laban sa mga respondent upang mahadlangan ang paglabas nila ng bansa nang walang pahintulot.

Ang kaso ay kaugnay ng P22 milyong trolley bags noong 2008.

Napatunayan umano ng Ombudsman na ang nasabing proyekto ay ipinagkaloob ni San Pedro sa pribadong kompanyang CLMP Trading nang walang public bidding.

Kabilang sa akusado sina former bids and awards committee chairman Roberto Bunyi; BAC vice chairman Michael Racelis; BAC members Avelino Orellana, Rodolfo Oliquino, Vicente Navarro, Peter Salonga at Sonia Laureta; technical working group chairman Roderick Espina; at TWG members Edwin Suitado, Eduardo Bautista at Glenn Santos.

Kinompirma ng Sandiganbayan ang naunang findings ng Ombudsman na mayroong probable cause ang graft charges laban kina San Pedro at 11 empleyado. 

Klarong basehan umano ‘yun para ibasura nila ang petisyon o mosyon ng kampo ng dating alkalde.

“After careful evaluation of the respondents’ separate motions, we find the contention therein not sufficient to set aside the findings of probable cause. There exists probable cause to justify the issuance of warrants for their arrest,” pahayag ng Sandiganbayan sa kanilang ruling na isinulat ni Associate Justice Napoleon Inoturan.

Malungkot ‘yan para sa kampo ng dating alkalde.

Hindi  lang swak kundi malamang na mahoyo pa ang katunggali ni Mayor Jaime Fresnedi.

Bakit kailangan may mamatay at makulong sa Kidapawan?

ANG El Niño, ilang taon mapaminsala sa ating rehiyon at magsasaka, ngayon ay pinagbuwisan na ng ilan humihingi lamang ng makakain na bigas. Kailangan pa ba may masawi at mamatay bago maliwanagan na marami na ang nagugutom sa malalayong lugar sa ating bansa? Bakit napakabagal ng aksiyon ng gobyerno ngayon? Dapat ay may pondong nakalaan sa ganitong kagutuman na mismong ang nagpoprodyus ng bigas ay umaangal na at nagugutom. Bakit kailangan gamitan ng dahas at pamamaril ang mga Filipino? Kalahi natin kitang-kita sa video ang paggamit ng armas at pamamaril sa kaawaawang magbubukid sa Kidapawan City. Sino ang lumabag sa batas, ang walang puso pang nagpaputok at umasinta sa dahilan na sila umaapela sa nanunungkulan sa distrito ang bayan ng Kidapawan? Dapat ay managot ang nagbigay ng pahintulot, bakit may armas ang mga pulis. Bakit pati mga kababaihang buntis ay dinampot. Walang sentido kumon ang gumawa nito. #+639758847 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *