Friday , November 15 2024

Desmayado ang mga botanteng Pinoy na nasa ibang bansa

MULI pang lumiit ang turnout ng overseas absentee voters ngayong taon.

Mismong si Foreign Undersecretary Rafael Seguis ay nagtaka sa liit ng turnout.

Kaya pinagpapaliwanag niya ang mga ambassador at consul sa “decimal and even zero voter turnout.”

Ibig sabihin po nito halos kulang pa sa 10 porsiyento ng 1.3 milyon rehistradong botante para sa overseas absentee voting ang bumoto.

Ang bumoto kasi ay umabot lamang sa 87,601.

Napakaliit na bilang nga naman.

Ang laki ng ginastos ng gobyerno para hikayatin ang mga Filipino overseas contract workers na bumoto at makilahok sa eleksiyon, pero ‘yan lang ang turnouts?!

Wattafak!?

E di lalo na ‘yung mga kandidato na pumunta pa sa iba’t ibang bansa para mangampanya…

Ano ang ibig sabihin ng ganitong resulta ng absentee voting?

Ibig sabihin, mas marami ang hindi interesado na bumoto ngayong eleksiyon na ito?

Ang rason?

Wala na silang mapagpilian!?

Wattafak agen!?

Masisisi pa ba natin ang sambayanang Pinoy kung mas marami ang ayaw bumoto?!

Aba ‘e kahit sino naman daw ang manalo sa mga kandidatong presidente na ‘yan wala rin magbabago sa buhay ng mga Filipino…text ‘yan sa atin ng isang OFW.

Buhay lang nila ang nagbabago, hindi ang buhay ng dukhang Pinoy.

Sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), huwag po kayong magtaka kung bakit lampas 90 porsiyento ang bilang ng mga OFW na ayaw lumahok sa eleksiyon.

Simple lang po ang rason.

‘Yung pananatili at pagpapakahirap nila sa ibang bansa na hindi kapiling ang kanilang pamilya na naririto sa bansa, isang malaking kuwestiyon na ‘yun ‘di ba?

Bakit kailangan sa ibang bansa pa sila magtrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya nila?

Mas masakit pa ‘yung buong pamilyang Pinoy ang nasa ibang bansa at kahit kailan ay hindi pumasok sa kukote nila na bumalik sa Filipinas kasi alam nila hindi nila mararanasan rito ang kaginhawaan at seguridad na nararanasan nila roon sa ibang bansa.

Ngayon, sino pa ang boboto kung ang gobyernong nanghihikayat sa kanila ay walang kakayahang pauwiin ang mga overseas Filipino workers (OFW) para mamuhay rito nang maayos, payapa at maginhawa?!

Pakisagot na nga po!

Ka Romy Sayaman kahit naisahan nakahanda pa rin tumulong

NAKALULUNGKOT ang nakarating sa ating pangyayari ukol sa kaibigan nating si ASSI operator Romy Sayaman sa paghahangad niyang bigyan ng boses ang maliliit na manggagawa ng airport transport employees ay nasakripisyo pa umano ang malaking halaga ng kanyang salapi sa ilang ‘mandurugas’ sa Commission on Elections (Comelec)?!

Bagama’t nakalulungkot ay mukhang isinantabi na lamang ni Ka Romy ang pangit na karanasan niya sa Comelec.

Ngunit kung totoo ang usap-usapan, dapat sigurong ‘habulin’ ang mga taong nasa likod ng naganap na panloloko sa ating butihing kaibigan.

Ang balitang narinig natin, binalak ni Ka Romy na magtatag ng party-list para sa sectoral representative ng mga kawani ng transport concessionaire sa NAIA para naman magkaroon ng boses sa Kongreso.

Ngunit habang ipinoproseso ng mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Ka Romy ang mga kakailanganing rekisitos para kilalanin ng Comelec ang kanilang party-list ay may nagpanggap umanong mga tauhan ng Comelec commissioner na nakahandang tumulong… (if the price is right!?)

Sa madaling salita, nakipag-usap at nagkaroon ng ‘deal’ at nagkaroon umano ng ‘abutan’ ng pesos.

Hindi lang matiyak ng ating ‘Bulabog boys’ kung ilang milyon…basta milyon umano ang natangay ng mga mandurugas ng Komolek ‘este’ Comelec.

Ngayon nagkabukuhan na ang Comelec commissioner na binabanggit ng mga mandurugas na nakipag-usap sa hanay ni Ka Romy ay tahasang idini-deny ang mga taong tumangay ng pera.

Ang nangyari kay Ka Romy, ay muntik na rin mangyari sa inyong lingkod noong binalak rin natin na mag-party-list. Ngunit maagap nga lamang tayo kung kaya’t ‘di nila tayo nabiktima.

Ibinulgar natin ang masamang kalakaran na ‘yan noong si Sixtong ‘este’ Sixto Brilliantes ang Comelec chairman pero wala rin nangyari sa ating reklamo.

Pero sa kabila ng panlolokong naranasan, tiwala pa rin ang magkakasama na matuloy ang pagtatatag ng party-list ni Ka Romy para matulungan ang maliliit na manggagawa ng transport concessionaire sa airport.

Mabuhay kayo, Ka Romy!

Nananawagan na agad kay Mayor Gani Pascual

SIR JERRY, sawang-sawa na po kami sa kawalan ng aksiyon ng mga namumuno sa GUIGUINTO, BULACAN dahil sa UMAALI-NGASAW na MASANGSANG na AMOY mula sa PABRIKA sa TUKTUKAN sir. Kawawa naman kaming mamamayan lalo ang mga bata na nagkakasakit, sabayan pa ng mabantot na amoy mula sa farm at babuyan sa Brgy TUKTUKAN rin po. Ilang panahon na lamang po ang aming titiisin at matatapos na rin ang tatlong taon kalbaryo namin sa kalalanghap ng nakakamatay na amoy ng abrika na hindi maaksiyonan nina MAYOR 3C at ABC.

Sana sa pagbabalik ni Mayor Gani Pascual, pakigawan sana agad ng paraan ang pabrika s Tuktukan n naglalabas ng toxic.

— batang-uiguinto—@yahoo.com

CNA benefits ng airport employees ibibigay pa ba?

SIR Jerry gud am, Friday at Tuesday pinaasa ang mga tao na ibbgay na CNA. Nag-board meeting sa DOTC pa. Pirma naman daw ng Comelec ang dahilan last Friday, kuha pa raw exemption. Parang may rally sa Admin Bldg sa dami ng taong naghihintay kung itatakbo na sa banko CNA. +63915717 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *