Maraming Salamat Robin, Aiza & Liza at sa iba pang artista
Jerry Yap
April 21, 2016
Bulabugin
SABI nga kapag likas sa isang tao ang kabutihan hindi na dapat ituro kung ano ang gagawin sa oras ng pangangailangan.
Nakita natin ito sa puso ng ilang mga artista sa movie industry sa kaso ng mga magsasaka sa Kidapawan City na binuwag, pinagpapalo, niratrat ng mga pulis nang hingiin sa lokal na pamahalaan ang 15,000 sako ng subsidyong bigas.
‘Yan ay sa pangunguna ng action star at TV host na si idol ROBIN PADILLA ganoon din ang mag-asawang AIZA SEGUERRA at Liza Diño.
Agad inorganisa ni Robin ang ilang artista para makapagpadala ng 200 sako ng bigas sa mga biktimang magsasaka.
Marso 30 (2016) naganap ang pagbuwag at pag-rapido ng bala sa mga magsasaka at katutubo, Abril 1, agad nanawagan at kumilos si Robin para makapagpadala ng bigas sa Kidapawan.
Habang ang mag-asawang Aiza at Liza ay agad nagsagawa ng fund raising para sa piyansa ng mga dinakip at ikinulong na mga magsasaka at katutubo.
Nakapag-raise sila ng halagang P546,000 sa-pat para makapaglagak ng piyansa sa mga dinampot na magsasaka at mga katutubo.
Pero may bago na namang alibi ang mga awtoridad, hindi raw makapagpiyansa kasi wala raw identification card ‘yung ibang magsasaka.
Wataffak!?
Hindi ba inabot ng 4Ps ang mahihirap nating magsasaka at mga katutubo kaya hindi nabigyan ng ID ng lokal na pamahalaan?!
E paano palang hindi mag-aalboroto ang sector na ‘yan ‘e hindi naman nararating ng serbisyo ng gobyerno?!
Buti na lang mayroong mga artistang gaya nina Robin na nakapag-ambag ng kanilang personal na pera upang ipambili ng bigas — ang kanyang misis na si Mariel, Bianca Gonzales, Angels Locsin, Luis Manzano, Karla Estrada, Daniel Padilla, Anne at Jasmine Curtis.
Mantakin ninyo, humingi ng bigas ang mga kababayan nating magsasaka at mga katutubo dahil matindi na ang gutom na nararanasan nila dahil sa matinding tagtuyot, ang ibinigay sa kanila nagbabagang tingga?!
Sonabagan!
At pagkatapos ng marahas na pagbuwag sa piketlayn ng mga magsasaka at katutubo sa Kidapawan National Highway, ni isang opisyal ng pamahalaan ay walang nagbigay ng tulong sa kanila.
Nagtataka at nakadedesmaya talaga na sa dami ng kandidatong presidente, bise presidente, at mga senador, ‘e walang man lang tayong nakitang nag-abot ng kamay o kaya ay umalalay kahit man lang pampiyansa.
Nasaan si Mar, Binay, Poe at Duterte!?
Tanging si Neri Colmenares ang personal na nagtungo sa mga magsasakang nasaktan at naospital dahil sa pandarahas ng mga awtoridad.
Ganyan ba ang Daang Matuwid?!
Kapag humingi ng bigas, karahasan at nagbabagang tingga ang isasagot?!
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.co