MARIING pinabulaanan ng Viva Prime Artist na si Meg Imperial na may alitan sila ng kanyang kapwa Viva Artist at kasamahan sa Bakit Manipis ang Ulap na si Roxanne “Roxi” Barcelo .
Nagulat nga si Meg nang may magtanong sa kanya kung totoong may away sila ni Roxi.
Paano naman daw na magkakaroon sila ng hidwaan ni Roxanne eh, okey naman sila sa set ng Bakit Manipis ang Ulap bukod pa sa pareho silang taga-Viva.
Imbes nga na patulan ang nasabing issue ay mas gustong bigyang oras na lang ni Meg ang kanyang showbiz career at ang click at successful business sa Bicol, ang Timeless Beauty Salon And Spa na may slogan na A Beauty That Never Fades.
MATABIL – John Fontanilla