Sunday , December 22 2024

Mga berdugong pulis dalain

INARESTO kamakailan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong pulis at kanilang mga kasabwat na sangkot sa pamamaslang sa isang babaeng negosyante na ang katawan ay isinilid sa loob ng drum at itinapon sa Pasig River.

Ang naturang insidente ay magsilbi sanang pampagising sa sambayanan, lalo na sa mga opisyal ng gobyerno, sa katotohanan na hanggang ngayon ay may mga pulis na walang takot lumabag sa batas at gumawa ng kalokohan kahit makapatay pa sila.

Kinasuhan ng murder, kidnapping at serious illegal detention sina Inspector Elgie Jacobe, Police Officers 1 Mark Jay delos Santos at Edmon Gonzales na pawang miyembro ng National Capital Region Police Office, at ang kanilang mga kasabwat.

Dinukot at pinaslang nila umano si Adora Lazatin para mai-withdraw ang P200,000 mula sa bank account nito.

Ang tatlong pulis na dapat sana’y tumutupad sa tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan ay walang pakundangan na yumurak sa imahen ng PNP, na pilit bumabangon sa dinami-rami ng eskandalo na kinasangkutan nito.

Sinibak na sa serbisyo ang naturang mga pulis. Sa bigat ng kanilang kasalanan ay dapat mabulok na sila sa loob ng kulungan matapos mahatulan. Ito ang nararapat upang madala ang iba pang mga pulis at mapigilan sa paggawa ng kalokohan.

Mabuti na lang at NBI ang may hawak ng kaso dahil kung sa kapwa pulis ito napunta, ang pangamba ng marami ay palabas lang ang pagsasampa ng kaso at hindi magtatagal ay makababalik din sila sa kanilang puwesto.

Dapat salain nang husto ng PNP ang kanilang hanay upang masibak ang mga sangkot sa katiwalian at krimen. Tapusin na ang sistema ng palakasan at parusahan ang mga nakagawa ng kasalanan.

Kailangan din nilang higpitan ang pagtanggap ng mga baguhang pulis. Marami ang nakalulusot kahit may criminal record o kaya ay utak kriminal din, na gusto lamang maging pulis para maghari-harian at magkamal nang limpak-limpak na pera sa ilegal na paraan.

Ang pagiging pulis ay isang marangal na hanapbuhay. Pero nasisira ang larawan ng PNP at ng mga miyembro nito nang dahil lamang sa iilang scalawag na nakalusot maging pulis.   

Ito ang dapat lutasin ng PNP kung nais nilang maibalik ang respeto ng mga mamamayan sa ating pulisya.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *