Friday , November 15 2024

Lorna Kapunan, tunay na lalaban para sa katarungan

BUKOD kina dating Department of Interior and Local Government Rafael “Raffy” Alunan, ang kasama niya sa Bagumbayan Party na si dating senador Richard Gordon, Cong. Samuel Pagdilao, Cong. Neri Colmenares at ang kababayan kong si Susan “Toots” Ople, kasama rin sa tiyak na ibobotong kong senador sa nalalapit na halalan si Atty. Lorna Patajo-Kapunan.

Kilala bilang abogada ng mga artista, iilan lamang ang nakakakilala kung sino si Atty. Kapunan sa likuran ng limelight at mga kontrobersiyang nakapalibot sa kanyang buhay sa loob ng halos 40 taong legal practice. Isang mapagkalingang ina sa limang anak na lalaki gayundin ang pagiging magiliw na lola sa kanyang tatlong apo, nabibigyan pa niya ng panahon upang alagaan ang siyam na aso sa kanilang tahanan.

Kulang ang mga salita upang sabihing palaaral siyang tao. Sa pagtingin sa kanyang curriculum vitae, mapapansin na natuto siya sa mga prestihiyosong paaralan dito at sa ibang bansa ngunit sinikap niyang magkaroon pa rin ng ugnayan sa mga komunidad sa kanyang kapaligiran. Umabot na sa mahigit apat na dekada ang kanyang karerang propesyonal mula sa corporate at civic-philantrophic work.

May masidhing ipaglaban ang pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian gayundin ang karapatan ng mga bata, espesyalidad ni Atty. Kapunan ang batas para sa pamilya. Sa pamamagitan ng mga parangal at papuring tinanggap bilang isang legal expert, nagsilbi na siyang lecturer at consultant para sa mga international research groups. Nakapaloob sa kanyang mga gawaing adbokasiya ang para sa humanitarian at environmental concerns. Kung hindi siya nagsusulat ng legalese, pinapasok niya rin ang malikhaing pagsusulat at nailimbag na rin ng mga lokal na publikasyon ang kanyang mga sanaysay para sa kanyang mga adbokasiya.

Isang kampeon ng nasyonalismo, inendorso kamakailan ang kanyang senatorial bid ng Poe-Escudero tandem at kasunod nito ang pagsuporta rin sa kanya ng nasyonalista at progresibong Makabayan bloc.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, ipinabatid ni Atty. Kapunan na isusulong niya ang pag-amiyenda  sa Family Code upang matukoy din na biktima ng domestic abuse ang mga kalalakihan. Masidhi rin niyang sinusuportahan ang panukala para sa diborsiyo at ang anti-discrimination bill dulot ng paghawak niya nang maraming mga kaso na kagaya nito. Naniniwala siyang nararapat irespeto ang lahat ng tao kahit ano pa man ang kanyang nais na oryentasyong seksuwal at napiling pagkakakilanlang kasarian.

Sinabi rin ni Atty. Kapunan na lumalaban siya sa ilalim ng Aksyon party, na dating pinangunahan ng pumanaw na si Senador Raul Roco na kanyang matalik na kaibigan.

Inilalarawan sa katauhan ni Atty. Kapunan ang pag-asa. Pinapangarap niya para sa ating bansa ang kanyang plataporma na H.O.P.E. , Honest government (reporma sa justice system) at Health services, Opportunity for all (ang pagprotekta sa lahat ng karapatang legal ng marginalized sectors kagaya ng mga kababaihan, kabataan, manggagawa, senior citizens, PWD, OFW, beterano at mga katutubo), Peace, Productivity, and Prosperity (kapayapaan sa Mindanao at industriyalisasyon) at Education, Employment, gayundin ang Environment at climate change. Nais niyang matugunan at mabigyang prioridad ang mga ito para sa kanyang pagnanais na tanggapin ang lehislatibong responsibilidad niya para sa taumbayan.

Habang hindi man siya popular, naniniwala pa rin si Atty. Kapunan na puno ng pag-asa ang kanyang pakikipaglaban para sa Senado taglay ang mithiing laban para sa katarungan.

Sabi nga ni Atty. Kapunan: “Ako ang tiket para sa pag-asa at kung hindi mo bibilhin ang tiket ng pag-asang ito, ‘wag po tayong magalit. Dahil ang proseso ng halalan ay parang pagtaya sa lotto. Kinakasihan ng suwerte ang mga taong kumukuha ng tsansa at sumusubok.”

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *