Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mar Roxas dapat mag-loyalty check sa kanyang mga kampo

ALAM kaya ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas na unti-unting nang napipirata ang kanyang mga tao?

‘Yun bang tipong, ang alam ng kampo ni Mar Roxas ay tapat sa Liberal Party ang mga tao nila sa ibaba pero sa totoo lang lumipat na pala sa kampo ni Grace Poe?!

Gaya na lang ng isang kandidato sa Southern Tagalog.

Noong si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo pa ang presidente, kilalang-kilala na maka-GMA siya.

Nang makaupo ang Daang Matuwid, matikas na sipsip-higop naman kay Noynoy.

Ngayon?! Kilala at nagpapakilalang LP pero ang kasama sa kanyang mga tarpaulin ay si Grace Poe!

‘E kanino ba kayo talaga?!

Mga K – – – – – !

‘Yung isang dating gobernador diyan sa Southern Tagalog na kilalang-kilalang maka-GMA, biglang naging maka-PNoy tapos ngayon Grace Poe naman?!

Aba, matindi ang pangangailangan?!

Kamag-anak System na naman sa BI

KUNG may dapat pagtuunan ng pansin si SOJ Emmanuel Caparas pati na rin si Commissioner Ronaldo Geron, ito ang lumalalang nepotismo diyan sa Bureau of Immigration.

Kung meron daw nagawang maganda si David at si Mison, ito ‘yung kontrolin ang pagkakaroon ng Kamaganak Inc., sa BI!

Matapos kalusin ni Mison ang bilang ng mga mag-aama, mag-iina, magpipinsan at magkakamag-anak sa Bureau, muli na naman daw umusbong ang bilang ng magpapamilya na pumapasok sa nasabing ahensiya. 

Alam nang lahat na kahit kelan ay ipinagbabawal ang pagpasok ng magkakamag-anak sa iisang government agency.

Ito ay upang maiwasan ang tinatawag na connivance sa mga transaksiyong pinansiyal at upang mabigyan din ng pagkakataon ang iba pang mga Filipino na magkatrabaho at makapaglingkod sa bayan at pamahalaan.

Pero since nawala na nga si Mison na naunang kumontra sa ganitong sistema, may mga ilan namang kawani ng BI na sinamantala ang pagkakataon upang isingit o ipasok ang kanilang mga kamag-anakan diyan sa Bureau!

Balita nga natin, biglang dumami ang bilang ng CAs at Job Orders na pilit na pinapirmahan kay Geron ang kanilang kontrata.

Obviously, hindi pa properly informed ang bagong commissioner sa palusot na sistemang ito.

Hindi rin maganda na habang ang ibang government agencies ay mahigpit na ipinagbabawal ang nepotismo sa kanilang bakuran, sa Bureau of Immigration ay tuloy naman ang pagsuway?

We are now calling your attention SOJ Caparas and Comm. Geron.

With all due respect, Sirs, baka po puwedeng ipa-review ang mga kontrata ng CAs at Job Orders diyan sa BI na karamihan ay kamag-anak ng ilang empleyado rin diyan?

Doon lang naman po tayo sa tamang sistema. Kung noon po ay nagawa ni Comm. Mison na iwasan ‘yan, bakit po papayagan ninyo ngayon?

Tama ba tayo diyan, Madame MARY ANN CARANTSO ‘este’ CARANTO!?

Nagtatanong lang naman po!

Maraming Salamat sa panambak Team Reggie

IPINAABOT ng mga residente ang pasasalamat sa Team Reggie na walang sawa sa pagdadala ng panambak para sa kalsada lalo na sa Izuzu 123 at kay Ka Mario ganoon din sa kanyang mga kasamahan. Mabuhay po kayo at muli maraming salamat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …