Friday , November 15 2024

Presidential bets Jojo Binay at Digong Duterte nagbabangayan na

NOONG napanood natin ang Pili/PINAS Debate para sa mga presidential bets nitong March 20 sa University of the Philippines Cebu, ‘nakyutan’ tayo sa bak-apan at purihan nina Vice President Jejomar Binay at Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa isa’t isa.

Ang sabi pa nga ni Digong, “We are (siya at si Binay) the only qualified candidates to run for the president.”

Kahit halatang nagpaplastikan lang ay marami tayong mga kababayan ang bumilib sa dalawang presidentiable.

Pero makaraang manguna na sa survey si Duterte, nagulat tayo nitong mga nakaraang araw lang, nang biglang magbanatan na ‘yung dalawa.

Ang sabi ni Binay, si Duterte ay pambansang berdugo dahil sa ipinamamarali niyang sa Davao City itinutumba ang mga kriminal.

Pero biglang bumuwelta si Duterte at sinabihan si Binay na, “Ako ba ang berdugo? Ikaw ang tunay na berdugo, berdugo ng pera ng bayan!”

Wattafak!?

Ano bang nangyari sa inyong dalawa at bigla na kayong nagbakbakan?!

Ngayon pa lang, nakanenerbiyos na kung isa sa kanila ang manalong presidente.

Para silang mga robot na pinagagalaw ng kanilang mga political operator.

Dahil laglag pa rin si Mar Roxas, si Miriam ay may problema sa kalusugan, si Grace Poe ay biglang bumaba sa survey, kaya sina Binay at Duterte na lang ngayon ang nagtutumbahan at nag-uupakan.

Ganyan talaga ang politika. Parang bump car. Kailangan magbanggaan hanggang maisadsad sa gilid ang kalaban.

Alam ng ibang kandidato na hindi maaaring maliitin ang kahandaan ni Binay sa eleksiyong ito.     

Sa lahat ng kandidato, si Binay ang masa-sabing organisado sa lahat ng aspekto.

Kaya nga siya ang gustong puruhan ng administrasyon noon.

But sorry to say, ang upak ng mga ‘dilawan’ ay pinakinabangan nina Grace Poe at Duterte.

Kung bumaba man ang ratings ni Binay sa survey, hindi rin ito pinakinabangan ni Mar.

Ang mga nadesmaya kay Binay ay lumipat kay Grace at kay Digong.

Pero nang bumanat si DUTERTE ng: “I am a Filipino, I love my country, the land of my people, the land of my birth,” biglang dumausdos ang rating ni Grace.

Hindi ba’t malinaw na si Grace ang tinutumbok ng pol ads na ‘yan ni Duterte?

Alam po nating hindi ganoon kabilis na maii-scrutinize ng ordinaryong mamamayan kung ano ang tunay na layunin ng political ads na ‘yan.

Hindi po iyan patriotismo kundi patama sa kanyang kalaban sa politika.

Kaya nga, komo nangunguna ngayon sa survey si Duterte, si Binay naman ang kanyang inuupakan.         

At siyempre, ganoon din naman si Binay.

Simpleng-simple lang, it’s now ‘dog eats dog’ ang labanan.

Sabi nga ng isa nating kahuntahan, “Putting politics on your plate is like cooking a ‘shit’ in your kitchen.  

 ‘Yun lang!

Comelec walang delicadeza!

WALA na tayong maaninag na delicadeza sa ginagawang desisyon ng Commission on Elections (Comelec).

Kamakalawa, nagdesisyon ang commission en banc sa botong 6-1 pabor sa pagtanggap ng iniaalok na ‘donasyon’ ng Smartmatic — ang 1.1 million thermal paper roll at 3 million marking pens.

Pero ayon sa nag-iisang dissenter na si Commissioner Rowena Guanzon, “I believe that receiving a donation from Smartmatic who is doing business with Comelec is graft.”

Nag-iisa nga ba si Commissioner Guanzon na mayroong delicadeza sa Comelec ngayon?

Matatandaan na ang Smartmatic ay natalo sa Forms International Enterprises (FIE) Inc., nang pumasok sa bidding para sa thermal paper.

Ang FIE Inc., ay nag-alok ng P49.5 milyones laban sa alok ng Smartmatic na P83.6 milyon. Pero hindi pa nai-award ang nasa-bing kontrata.

Tapos ngayon, tinanggap ng Comelec ang ‘donasyon’ ng Smartmatic?!

 Ano ang tawag diyan?!

Ang delicadeza ba ay idinadaan sa pagboto?

Ano sa palagay ninyo, Chairman Andy Bautista?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *