Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KB Buddies, nagbigay ng bonggang birthday bash kay Kathryn

NAIIBA ang KB Buddies, ang unang solo fan club for Kathryn Bernardo.

They throw a lavish post-birthday party for Kathryn. May bonggang food, may pakontes pa at may prizes. Present ang buong Bernado family kabilang ang Mommy Min ni Kath, ang dad niya at tatlong kapatid, dalawang babae at isang lalaki. ‘Yung isang sister ni Kath ay galing pa sa abroad.

Nang matanong kung paano niya ibinabalik ang kanyang pagmamahal sa fans ay ito ang tugon niya, ”Sa maraming paraan. May verbal way kung paano ko ipakita kasi hindi ako masyadong ma-Twitter, hindi ako nakare-reply sa lahat. Sinusubukan kong kilalanin ang bawat isa sa kanila. Kahit marami, iba pa rin ‘yung kilala mo sila personally. Kung kaya ka nilang ipagtanggol dapat ikaw kaya mo rin silang ipagtanggol. Ang feeling ko, ‘yung relationship, para sa kanila dapat maging friendship na, hindi mo sila pababayaan. Nariyan si Mama, si Tita Long (Gumatay, founder ng KB Buddies), palagi silang magka-usap, parati silang nag-uusap, so ‘yung friendship na-develop na. Ganoon ka-united ang fan group na ito kaya grabe ang pasasalamat ko.”

Walang kakabog sa KB Buddies sa pangunguna ng founder nitong si tita Long Gumatay. Iba kayo. Grabe kayong magmahal.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …

Rita Daniela Viva

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist …

Arjo Atayde

Arjo Atayde: Turismo sa pelikula at telebisyon kayang iangat ang Pilipinas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANINIWALA si Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang turismo sa pelikula at …

Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na …