Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot ngumingiti kapag sinisingil ng utang, utas sa 20 saksak ng ex-con

PATAY ang isang 21-anyos babae makaraan 20 beses saksakin ng kapitbahay dahil ngini-ngitian lamang siya kapag sinisingil sa kanyang utang sa Tondo, Manila, kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jorela Guerrero, ng Bldg. 17, Unit 28, Temporary Housing Aroma, Tondo.

Habang arestado ang suspek na si Miguel Estrada, 33, miyembro ng Batang City Jail, ng Parola Compound Tondo, nakapiit sa Manila Police District-Homicide Section.

Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran, naganap ang insidente dakong 11:45 p.m. sa C.P. Garcia St., Tondo.

Pahayag ng suspek, tuwing sinisingil niya ang biktima sa utang na P5,000 ay binabalewala at nginingitian lamang siya. Napag-alaman, habang nagte-text ang biktima ay nilapitan siya ng suspek saka pinagsasaksak.

Natunton ang suspek dahil sa mga patak ng dugo na nakita sa tapat ng kanyang pinto. Nag-kataon na may nagpa-patrolyang pulis sa lugar kaya agad naaresto ang suspek.

Nalaman din na lumaya ang suspek noong 2014 makaraan makulong sa Manila City Jail noong 2009 dahil sa kasong robbery.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Ma. Margarita Salak , Mary Grace Rabia, Ryan Cereno, Jorene Tango, Jenilyn Manzon, Harold Discuano, at Elena Claire Velasco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …