Friday , November 15 2024

Bato-bato sa langit nakokonsensiya ang galit

WIKA nga ng aking Pipit mga ‘igan, “Walang lihim na hindi nabubunyag.” Lalabas at lalabas ang katotohanan. Sisingaw at sisingaw ang baho nito, kung kaya’t ingat lang sa aking Pipit na sadyang matinik sa pagtuklas ng mga katiwalian at katarantaduhan ng tinagurian pa man ding mga lingkod–bayad ‘este’ bayan partikular sa administrasyong Erap!

‘Igan, bato–bato sa langit ang tamaa’y huwag magagalit. Ngunit ‘pag ika’y nakonsensiya tiyak na magagalit.

He he he…

Kamakailan lang mga ‘igan, naglabas ng panukala ang Department of Education (DepEd) na ipinagbabawal ang pagtanggap, partikular ng mga guro, ng suhol o regalo sa mga politiko, lalo na ngayong kasagsagan ng kampanya para sa nalalapit na Eleksyon 2016.

Ngunit ano itong isyung ‘gift giving’ umano ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga Guro sa Maynila?

Ayon sa aking Pipit, mga ‘igan, nakapanayam niya ang ilang mga guro na tumanggap ng computer tablet at nabiyayaan pa ng salapi mula kay Erap, na tumatakbong Alkalde.

Maging ang mga opisyal ng DepEd-Manila, dagdag ng aking Pipit ay kasabwat sa pagbili ng nasabing computer tablet.

Magkanong halaga ang usapin dito at bakit nagkakaganito ang DepEd-Manila officials? Kapit na po ba sa patalim dahil sa hirap ng buhay?

Lumipad-dumapo naman ang aking Pipit sa iba’t ibang barangay ng Kamaynilaan aba’y ganoon din po ang estilo ni Mang Erap, parang Pasko kung magbigay ng regalo at aginaldo o pamaskong handog sa mga batang (isip) ‘este’ matatanda o botante, na kung may wastong pag–iisip at pinagkatandaa’y maiisip nilang hindi tama ang ganitong estratehiya ng isang politiko, makakuha lamang ng boto,” sambit ng aking Pipit.

Sus, kung totoo ito’y wala na bang ibang maganda at legal na pamamaraan ang ‘Mama’ upang bumili ng boto? Kapit na rin ba sa Patalim, makuha lamang ang ibig?

Ikot na ba ang ‘wetpu,’ na parang hilong-talilong, itong si Erap, makuha lamang o’ mabolang muli ang sambayanang Manilenyo?

He he he… Basta ang alam ni BBB, sadyang mas matatalino na ngayon ang tao, lalo na ngayong panahon ng kampanya at lalong–lalo na sa araw ng eleksiyon!

May “techniques” din sila sa pagtanggap ng suhol (He he he, baka maonse) at kung sino ang dapat na iboto! ‘Ika nga, ‘dapat tama, lalong–lalo na sa isip, sa salita at higit sa lahat, sa gawa, ang politikong iboboto. 

Ghost employees sa Manila Zoo buking?  

HINDI inaasahan ng aking Pipit mga ‘igan, nang mapadpad sa Manila Zoo, natuklasan n’ya ang isa pang lihim na matagal-tagal din naitago ng ilang opisyal sa nasabing lugar.

Ayon sa aking Pipit, base sa payroll na kanyang nahalungkat, may ‘ghost employees’ na nakatalaga sa Manila Zoo. ‘Yung tipong sumusuweldo na hindi naman nagtatrabaho at ‘yung ‘pag suweldo time’ lang ang appearance!

Sus ginoo, ano ba naman kayo, pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan ang perang kinukubra pag pay day! Pagnanakaw ‘yan sa kaban ng bayan. Matitiis ba ninyong nakaw ang ipinakakain at ipinangtutustos mo sa Pamilya?

Galit kayo? Aba kasi’y nakokonsensiya kayo sa maling asal! Paging po Mayor… para sa katarantaduhan ng mga ‘animal’ sa Manila Zoo!

Aba’y alam nating iba’t ibang klaseng hayop ang makikita natin diyan, pero, may mga animal din palang asal hayop kung umasta sa pamamalakad ng Manila Zoo…

He he he…     

About Johnny Balani

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *