Friday , November 22 2024

Ano ang katotohanan sa ‘laylayan’ ni Leni Robredo!?

MULA sa “Daang Matuwid,” heto ang bago, “Iaangat ang nasa laylayan.”

Napahagalpak nga ng tawa ‘yung kahuntahan natin kasi, kapag iniangat ang laylayan, hubo na raw ang tawag diyan!

Hehehe…

Kidding aside, kung susundan natin ang analogy ni Madame Leni Robredo, saan naman niya ilalagay ang mga iaangat niya mula sa laylayan?

Iaangat ba niya, kapantay niya? O iaangat para itapon kung saan?

Wala tayong makitang konkretong larawan ng sinasabi niyang pag-aangat sa mga nasa laylayan kung pag-uusapan ang kanyang panunungkulan.

Ang hindi natin malilimutan, ang kanyang pakikipag-alyado sa isang gobernador na asawa ng pinaghihinalaan at kinikilalang malaking jueteng lord sa Central Luzon.

Hindi ba’t ang kanyang asawa, ang namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo ang nagluklok kay Amang Ed Panlilio para ‘padapain’ ang sinasabing mga galamay ng Jueteng?!

Pero isang termino lang si Among Ed, at hindi na nasundan pa, at mukhang may hinaharap pang kaso.

At ngayon ay nakikipag-alyado at nakikipag-beso-beso pa si Madame Leni kay Gob. Lilia Pineda!?

Paano matatahimik ang kaluluwa ni Jesse (pasintabi po), kung saan man siya naroroon ngayon, gayong kasama ang misis niya sa mga lumalapastangan sa kanyang nasimulan?

Kung papasok sa serbisyo sa gobyerno si Madame Leni, hindi ba’t dapat na sundan niya ang ‘yapak’ ng kanyang mister?!

Na kung tutuusin ay kinapos rin sa ‘pakikibaka’ laban sa jueteng hanggang disgrasyang mag-dive sa dagat ang sumasalipawpaw na eroplanong kanyang sinasakyan?!

Ngayon, hindi lang ang katawang lupa ni Jesse ang naglaho, dahil tuluyang ibinaon ni Leni ang kanyang mga simulain para sa isang malinis na gobyerno sa pakikipag-alyado sa gambling lord.

Alam nating maraming nabubuhay na maliliit na kababayan natin sa jueteng, pero alam na alam rin natin na mas malaking buwis ang ninanakaw nila sa paggamit ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang front.  

At ‘yang mga nagnanakaw ng buwis para sa PCSO na tumutulong sa sinasabi ni Madame Leni na nasa ‘laylayan’ ang siya ngayong mga kaalyado niya at malamang sumusuporta sa paraang pinansiyal sa kanyang kandidatura.  

Ngayon, sige nga, iaangat ba ni Madame Leni ang mga nasa ‘laylayan’ sa kanyang pakikipag-alyado sa gambling lord/s ba?!

May katuwiran nga naman ang ating kahuntahan, kapag iniangat ang laylayan, hubo ang ating masisilayan.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *