Monday , December 23 2024

Freedom of Information (FOI) Bill…na naman?!

HETO na naman…

Kinakaladkad at ginagasgas na naman ng mga kandidato/politiko ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Ilang presidential candidates at vice presidential candidates ang nangangako ngayon na kung mananalo sila, ipapasa nila ang FOI Bill.

Siya nawa! Mangyari nawa!

Hindi na uso ang turntable pero sandamakmak pa rin pala ang sirang plaka.

‘E noong 15th  at  16th Congress pa ‘yan!

Nagkahetot-hetot na ‘yan noong panahon na si Ben Evardone ang chairman ng Committee on Information sa House of Representatives noong 15th Congress.

Maraming tumuligsa dahil bukod sa kukupad-kupad at tila sinasadyang pagbibinbin sa nakabinbin na panukalang batas ‘e ginagamit pang agenda sa pagsusulong umano ng kampanya laban sa korupsiyon.

Mismong si PNoy nga, ay ginamit ang isyung ‘yan noong 2010 elections nang ipangako niyang siya mismo ang magsusulong at magpapa-apruba FOI Bill kapag nanalong presidente.       

Pero, anong petsa na ba?!

Tapos na ang termino ni PNoy sa Hunyo 30, may nangyari ba?!

Waley!!!

Pero ngayon, muli na naman ipinapangako ng magagaling na kandidato na aapruba-han nilang ganap na batas ang FOI Bill.

Uulitin lang po natin…mangyari nawa!

Siya nawa!

Bank waivers ng government officials at employees solusyon ba laban sa korupsiyon?

MAYROONG isang tumutula-tulang kandidato na nagsasabing kailangan daw ng bank waiver para sa mga opisyal at emple-yado ng gobyerno para mabusisi kung galing sa korupsiyon ang santambak na kuwarta nila.

‘Yung bank waiver daw ay para hindi rin makapaglabas ng mga ninakaw nilang kuwarta at maideposito sa labas ng bansa.

‘E ang tanong, kahit ba pumirma sila ng bank waiver ‘e solusyon ba ‘yan laban sa corruption?

At kung may bank waiver naman, paano nila mahuhuli ang bank accounts na ‘yan kung mayroon silang mga dummy?!

Huwag na po tayong lumayo, hindi ba’t ganyan ang akusasyon nila kay VP Jojo Binay?

Maraming dummies?!

O kaya nakapangalan sa mga kamag-anak nila ang bank account para hindi sila masilip ‘di ba?

‘Yung iba naman na hindi naglalagak ng pera sa banko, mayroong ipinagawang malalaking vault sa kanilang bahay para roon ‘ideposito’ ang laksa-laksa at bulto-bultong bagong-bago at crispy bills.

Hindi nga lang maintindihan kung bakit mayroon silang ganyan karaming cash.

Ngayon, sa tingin ba n’yo tatalab ba ang panukala ni Chiz Escudero na bank waiver?!

Ipasa nga muna ninyo ang FOI Bill, baka maniwala pa kami na tatalab ‘yang bank waiver!

‘Yun lang. 

Malamig na ba ang mga tao kay Pacquiao?

SIR JERRY, napansin b nyo na parang malamig na ang tao sa laban ni Pacquiao kahapon? Maraming establishment ang di napuno. Cguro napansin nla na negosyo n lng ang mga laban ni Pacman. +63918919 – – – –

Cayetano pambansang basher daw

KA JERRY, sobra naman si Cayetano. Namemersonal kay Bongbong Marcos. Pwde cya pambansang basher. +63912881 – – – –

Kilala ba nyo si Boy Casino kandidato sa pasay?

GOOD am bossing, ‘di ho ba may lumabas sa inyong diyaryo noon picture na nagka-casino opisyal sa Pasay. Kandidato ho siya ngayon na —— ———. +63915337 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *