Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 mambabatas may ginagawang misteryo?

THE WHO ang dalawang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kinukulapulan ngayon ng intriga dahil daw sa kanilang illicit affair?

Ayon sa ating Hunyango, ‘di niya inakalang “Babaerong Boylet”pala or in short Bi-Bi si Congressman dahil may dyowa na siya pero kinalantare pa raw ang kanyang kamambabatas.

Kung makikita si Bi-Bi mala-basketbolistang artistahin ang arrive niya at halos ‘di makabasag pinggan o soft spoken, ‘yun pala halimaw sa chicken!

Ehek chicks.

Samantala,  ang sinasabing karelas-yon naman daw ni Bi-Bi ay si Congresswoman na makunat na nga, may edad pa pero may asim pa o ‘yong tinatawag na hot mama!

Wow hot mama daw o!

Daldal sa atin, madalas daw na inaabangan ni Bi-Bi si Congresswoman sa hagdanan para sabay silang pumasok sa plenaryo ng Kamara kada may session.

Swet-swet naman nila!

Har har har har har!

Noong una, inakala ng marami na baka gentleman lamang  si Bi-Bi dahil nga may esmi na siya pero ngayon malakas ang bulungan sa misteryong ginagawa nila.

Patay! Umalingasaw na!

Kilalang-kilala si Congresswoman na maka-Diyos at ipinaglalaban ang kapaka-nan ng mga kababaihan ‘yun pala siya mismo ang kaaway ng mga babae dahil pumatol kay Congressman na Mr. Swabe rin!

No no no no no!

Ikaw naman madam, ‘di mo ba alam na masasaktan ang misis ni Cong. dahil pinatulan mo?

Nasa’n ang hustisya?!

Wahahahahahaha!

Napag-alaman pa kay Hunyangong ma-tabil ang dila na kinaliwa pala noon si Congresswoman ng kanyang mister bago pa man siya nagbagong-buhay.

Ang malupit, katabi lang ng biniling condo unit ni mister na mabait din daw, ang tirahan ng kulasisi at nabuking nga ni Madam kinalauanan.

Pambubuska sa atin, “Losing Religion” na si Madam o sa madali’t sabi LR na siya kasi nga taliwas na sa kanyang pananampalataya at paniniwala ang naging pagpatol niya kay Bi-Bi.

Sa ngayon, laging magkasama ang da-lawa sa pangangampanya at halos ayaw nilang maghiwalay dahil gusto nilang makita ang isa’t isa!

Pa-autograph ALDUB!

Hak hak hak hak hak hak!

Ay siyanga pala malapit na ang eleksi-yon, tama lang na suriing mabuti kung sino ang iuupong Pangulo  but don’t forget, masinsin din sanang suriin kung sino ang ihahalal natin sa pagka-bise presidente.

Alis na ako!

Bwar har har har har!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …