Monday , December 23 2024

Plunder laban kay Bongbong palso na naman (Pakana ni PNoy gamit ang asong tulad ni Rafaela David ng Akbayan)

KUMBAGA sa giyerang US-Vietnam, iwinawagayway na ng mga Vietcong ang kanilang bandilang pula ‘e nagpaplano pa ang mga Kano na makaeksena…

Ganyan ang nangyayari ngayon sa mga detractor sa nagungunang vice presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Sabi nga ng mga political analyst, tapos na ang labanan sa bise presidente.

Kahit saan sumuling at kahit sinong tanungin kung sino ang bise presidente nila, iisa ang sagot — Bongbong Marcos kami!

Isang buwan na lang ang nalalabi at eleksiyon na.  Nabigo na ang CARMMA, dumausdos si Chiz, nadagdagan pa ang pagkalagas ng buhok ni PNoy kaiisip ng estratehiya at taktika kung paano pababagsakin si Marcos…

Pero sorry, sabi nga, mukhang tapos na ang boksing!

Parang nakahihiya na ang desperasyon ng mga kalaban ni Bongbong.

Ang maruming estratehiyang ginamit kay Manny Villar at Jojo Binay ay gustong ulitin kay Bongbong?

Mantakin ninyong sampahan ng kasong plunder ng isang ‘asong liberaldor’ (bigkasin na silencio ang eLe) na nagpakilalang Rafaela David. (Mukhang hi-breed ang ‘asong liberaldor’ mayroong rehistradong pangalan… hik hik hik).

Take note po: Ang plunder ay isang kasong walang piyansa sa Ombudsman.

Nagsampa ng kasong plunder ang iBBM laban kay Bongbong gamit ang isyung pag-abuso daw sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2011 hanggang 2013. Ayon umano ‘yan sa nakakalabosong pork-barrel scam mastermind na si Janet “Lim” Napoles.

‘E hindi ba’t sa Senate hearing pa lang klaro sa affidavit ni Napoles na si Bongbong Marcos ay hindi sangkot sa eskandalo.

‘E ‘yung sandamakmak na LP stalwarts na itinuga ni Napoles na hindi lang sangkot kundi nagturo at tumulong pa sa kanya kung paano gagawin ang pagmanipula sa pork barrel, hanggang ngayon, hindi pa nasasampahan ng kaso at mukhang pagtutulungan pa siyang idiin.    

Kumbaga sa putang ginahasa at pinagparausan, si Napoles pa ang makakalaboso dahil hinawaan niya ng STD ang mga ‘manyayakaw’ na LP stalwarts?

Kapag inabot nga naman ng kamalasan at karma, kahit nagsisimba pa linggo-linggo kung pawang ‘paglulubid ng buhangin’ lang ang gagawin, tiyak ‘dadapurakin’ ng karma.    

At ‘yun na nga, nakarma agad!    

Nabuyangyang sa publiko na ang lider ng iBBM na si Rafaela David, ay kilala sa sirkulo bilang Chairman ng Akbayan.

Si David ay Akbayan Youth chairman at nominee ng kanilang party-list.

Alam nating lahat na ang Akbayan ay partido ni chief presidential political adviser Ronald “DVD” Llamas at ng kanyang closest associate na si Liberal Party senatorial candidate Risa Hontiveros.

Ang panggigipit sa kalaban sa politika sa pamamagitan ng korte ay estilo ng Liberal Party.

Ganoon na ganoon din ang estilo ng kanilang Chief Executive.

May nakapagtataka pa ba?!

Si PNoy ay itinuturing na ngayong ‘sumpa’ dahil lahat ng kanyang ini-endoso ay sa kangkungan bumabagsak.

At lahat ng kanyang binabanatan ay lalong tumataas ang rating.

Ano ang malinaw sa mga planong ito?

Gusto ng Liberal na makalaboso si Bongbong, gaya ng gusto rin nilang gawin kay Binay ngayon at Villar noong 2010 elections…

Pero bigo sila…bigong-bigo!

Dahil sabi nga, klaro na ang tawas para sa May 9 elections…

BONGBONG na!

Atty. Lorna Kapunan, Susan “Toots” Ople iluklok sa Senado (Dalawang babaeng matitino kailangan…)

KUNG mayroon dapat iluklok sa Senado, wala nang iba kundi sina Atty. Lorna Kapunan at Susa “toots” Ople.

Si Atty. Kapunan, hindi lang matapang, matalino, at lohikal, may common sense pa kung paano ipaglalaban ang katarungan.

Hindi drawing at halumigmig ng mabubulaklak na pananalita ang kanyang plataporma, dahil makikitang klaro ang kanyang bisyon para sa sambayanang Filipino.

Naninindigan si Atty. Lorna P. Kapunan na napapanahon nang makamit ng sambayanang Filipino ang katarungan lalo na para sa maliliit nating kababayan na madalas maging biktima ng maling pagkiling ng hustisya.

“Sa pagkamit ng tunay na katarungan, hindi maaaring nakasilip ang isang mata at nagkukuwanring patas ang tingin sa magkakaibang estado ng pamumuhay – mahirap man o mayaman. Dapat pantay-pantay ang paghahatol ng katarungan. Ito ang ating layunin. Simulan natin ang “laban para sa katarungan,” sabi ni Kapunan.

Kabilang sa katarungan na ‘yan ang makamit ng bawat Filipino ang karapatan sa edukasyon, tirahan, disenteng trabaho na may maayos na sahod, kumain ng tatlong beses sa isang araw, hustisya, ligtas na komunidad at pangalagaan ang kalikasan.

Kung tutuusin aniya, nasa Saligang Batas na ‘yan, kailangan na lang ipatupad.

Para kay Atty. Kapunan, katarungan din para sa pamilyang Pinoy ang pananatili ng ama sa piling ng pamilya at hindi na kailangan lumabas ng bansa para magkaroon ng trabaho.

“Hindi biro ang malayo ang isang magulang sa kanyang pamilya lalo na ang mga batang lumalaki na wala sa kanilang tabi ang kanilang tatay o nanay. Mahirap mabuhay sa ganitong kalagayan, isa itong kawalang katarungan,” paliwanag ni Kapunan.

Masosolusyonan lamang aniya ito kung makalilikha ang ating gobyerno ng mga hanapbuhay na maghihikayat sa ating overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi na sa bansa at dito na lamang magtrabaho upang makapiling ang kanilang mga anak at kabiyak sa puso.

Sa layuning ‘yan ni Atty. Kapunan, malinaw na ang makakatulong niya ay Toots Ople.

Si Toots Ople ay anak ni Ka Blas Ople, ang kampeon ng OFWs.

Silang dalawa, si Atty. Kapunan at Toots Ople ang kailangang mailuklok sa Senado dahil alam nating sila ay magtatrabaho.

Kapunan, Ople sa Senado!

Electoral Surveys dapat ipatigil!

Isa tayo sa mga naniniwala na dapat nang ipatigil ang electoral survey dahil maliwanag na panggogoyo lang ito sa sambayanan.

Raket lang ‘yan ng survey firms na nagkakamal sa mga politiko at sa malalaking kompanya o negosyante na ‘nag-aalaga’ ng mga politiko.

Hindi nga natin alam kung nakukuwenta nang tama ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang dapat bayaran sa buwis ng mga ‘yan.

Malinaw na popularity play lang ‘yan.

At ang makikinabang lang diyan ay ‘yung mga politikong may pambayad sa survey firms.

Kaya ang kandidatong walang pera, sorry na lang.

Pinakamaganda mga suki, iboto natin ang mga kandidatong hindi mahilig magpa-survey.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *