Friday , November 15 2024

Pacquiao-Bradley malamang na gamitin ng mga politiko

HUWAG na tayong magulat kung maraming politiko ang naghanda ng venue para makapaghandog ng libreng panonood ng Pacquiao-Bradley fight ngayong araw (Abril 10, 2016 sa ating bansa).

As usual sa MGM Las Vegas gaganapin ang laban. Habang ang buong mundo ay nag-aabang sa pay per view.

Tinatayang mag-uuwi si Manny Pacquiao ng US$20 milyones habang US$6 milyon naman kay Tim Bradley.

Ang  mainit na pinag-uusapan sa labanang ito, kung ito na nga ba ang huling laban ni Manny?!

O muli pa siyang hihirit?!

Sa balita, llamado na naman si Manny kaya’t maraming Pinoy ang gustong mapanood ang laban na ito.

At habang nakikipagbugbugan si Pacquiao kay Bradley nakikita natin ang nanggigigil na si Madam Kim Henares ng Bureau of Immigration (BIR) na may lapis sa tenga habang kinukuwenta sa kanyang calculator na sinlaki ng tablet kung magkano ang ipapataw na buwis sa pag-uwi ni Pacman.

Pero sana sa pag-uwi ni Manny, tulungan na natin siyang magdesisyon, lalo na ng mga taga-Saranggani…

Makapagdesisyon na sana siya kung ano ba talaga ang gusto niya.

Magboksing o maging mambabatas?!

Kaya na ba niyang isakripisyo ang ilalaman sa bulsa ni Mommy D. at ni Jinkee?!

O ang mamamayan na bumoto sa kanya ang kanyang isasakripisyo?!

Pong Pagong ng Batibot pakikantahan nga si Manny ng… “Piliin, piliin kung alin, kung alin…”

Baka sakali, si Pong Pagong ang makapagturo kay Manny kung ano ang kanyang prayoridad bilang mambabatas na pinasusuweldo ng sambayanan.

At pagkatapos ng laban, makapangampanya pa kaya si Pacman?!

O sinagot na ni PacMom ang pangangampanya?!

Ay ambot!

2 pulis PCP nagbangayan sa tongpats

Parang mga bata na nagbabangayan ang dalawang pulis sa Police Community Precint (PCP ) ng Manila Police District sa Binondo, Maynila.

Ayon sa kanilang desmayadong mga tauhan, dating magkasangga ang dalawang lespu na sina alias BOY GULAY ng Ylaya PCP  at si alias BLACKMAN ng Soler PCP.

Mula raw nang mahuli ng CIDG-NCRPO at mahinto ang kanilang malaking sideline na pag-i-escort sa mga negosyante ng droga sa Binondo, Maynila, laging aburido ang dalawang lespu, kaya ngayon ay nag-aagawan naman sila sa pagkuha ng goodwill money sa mga vendor ng school supplies sa kahabaan ng Claro M. Recto Divisoria.

 Ang kolektong kasi ni pulis Boy Gulay na si SEBIO-TONG  ay nakakuha na agad ng advance payment na goodwill money sa mga negosyante ng school supplies.

 Kaya si pulis-Blackman ay umusok ang bumbunan at biglang itinakwil ang dating best friend na si Boy Gulay dahil sinulot siya sa pagkuha ng goodwill money sa mga vendor.

Kaya mas mabango raw ngayon si alias Boy Gulay sa MPD-ODD at MPD-CDDS dahil nabigyan ng ‘picture’ sa nakurakot na goodwill money?!

Si MPD district director Gen. Rolly Nana, naambunan kaya ng dalawang pulis PCP tongpats?!

Just asking…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *